Niño Muhlach super proud na umabot ng 5 dekada sa showbiz: ‘Not everyone can say that they have been here for 50 years’

HINDI man ganoon ka-active sa mundo ng showbiz, hindi pa rin naman nawawala sa sirkulasyon ang dating child wonder na si Niño Muhlach.

Napapanood pa rin ng madlang pipol si Niño sa ilang programa sa telebisyon at napapasama sa mga pelikula ng Viva Films at iba pang movie companies.

Pero kahit na hindi na masyadong active sa larangan ng pag-arte, napanatili pa rin ng aktor ang maayos at magandang buhay ng kanyang pamilya.

Ngayong taon, ipagdiriwang ni Niño ang kanyang 50th anniversary sa showbiz at ipinagmamalaki niya na makalipas ang limang dekada ay hindi pa rin siya nakakalimutan ng publiko.

“Siguro I think it is something to be proud of because not everyone can say that they have been in showbiz for 50 years,” aniya sa panayam ng veteran broadcast journalist na si Karen Davila.

Baka Bet Mo: Andres, Atasha isasabong na ng ‘E.A.T.’ kina Cassy at Mavy ng ‘Eat Bulaga’: Battle of the twins yarn!?

Sabi ng aktor, napakalaki ng dapat niyang ipagpasalamat sa kanyang amang si Alexander Muhlach na talagang gumabay sa kanya mula pa noong bata pa siya hanggang sa magkaroon na ng sariling pamilya.

Hindi man siya kumikita ng malaki sa pag-aartista, may pinagkukunan pa rin siya ng pera mula sa mga naipundar na negosyo, kabilang na ang kanyang mga  bakeshop kung saan mabibili ang sikat na sikat na Muhlach ensaymada.

“Nagpapasalamat lang talaga ako because my dad was always there to guide me. Inayos nya po ‘yung buhay ko eh.

“May building kami and lahat ng pelikula ko kami nag-produce so lahat ng kinikita nun may royalty po ako,” ani Niño.

Dagdag pa niya, “Siya po ‘yung nag-start ng trust fund para sa mga bata. I really owe everything to my dad. He really looked out for my future.”

Bukod dito, utang niya rin sa kanyang ama ang lahat ng mga life lessons na dala-dala niya mula pa noong magsimula siya bilang child star.

“Tsaka ‘yung daddy ko po at the height of my popularity, lagi niyang pinapaalala sa akin na ‘Nino darating ang araw na mawawala lahat ‘yang kasikatan mo na ‘yan. So pag dumating ang araw na ‘yun dapat handa ka.’

“Kaya I was always prepared. Talagang consistent ‘yun lagi niyang pinapaalala,” sabi pa ng aktor.

Sa tanong kung paano siya nag-adjust mula sa pagiging sikat na celebrity hanggang sa pagiging negosyante, “Siyempre po mas mahirap. This is an everyday commitment.

“Siyempre dapat mas malaki ‘yung pumapasok kaysa lumalabas. Siyempre ‘yung produkto mo dapat masarap,” aniya pa.

Related Chika:

Utol ni Aga na si Andrew Muhlach hirap na hirap mag-maintain ng katawan: ‘Tabain kasi ako, e… papayat-tataba-papayat-tataba’

Read more...