Eric Quizon sa pakikipagrelasyon: ‘Ang lovelife kapag meron, meron, kapag wala, wala!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Eric Quizon
HANGGANG ngayon ay maayos na maayos pa rin ang relasyon nina Eric Quizon at Zsa Zsa Padilla kahit pa nga matagal nang namaalam ang lalaking nag-uugnay sa kanilang dalawa.
Ang tinutukoy namin siyempre ay ang yumaong ama ni Eric na si Comedy King Dolphy na naging partner nga ni Zsa Zsa sa loob ng mahabang panahon.
Knows n’yo ba na naging crush noon ni Zsa Zsa si Eric? Ito raw yung panahong hindi pa nakakasama ng Divine Diva ang Hari NG Komedya.
“Kasi si Zsa Zsa nakatrabaho ko siya bago pa niya nakatrabaho ang daddy kasi nagmo-model ako nung time na ‘yun. Nakasama ko siya sa isang show,” ang pagbabalik-tanaw ng aktor at direktor.
Pag-amin pa niya, “Of course, flattering ‘yun (paghanga sa kanya ng dating karelasyon ni Mang Pidol). Ang sa akin kasi talaga, kami ni Zsa Zsa we’re really good friends.
“Kasi hanggang ngayon pagka may mga desisyon na ginagawa sa buhay at sa pamilya, I still consult her,” sey pa ni Eric sa panayam ng Push.
Dagdag pa niya, “Hindi nawawala yung communication namin kasi ‘yung dalawa niyang anak, kapatid ko.
“So kapag merong mga decision-making about family matters, kasama pa rin ako. Masaya rin ako sa personal life niya ngayon,” pagbabahagi pa ng aktor.
Tungkol naman sa kanyang personal life, mukhang umiiwas pa rin ang direktor na pag-usapan ito in public.
“Ang love life kapag meron, meron. Kapag wala, wala. Sometimes meron, sometimes wala,” aniya.
Pagpapatuloy pa niya, “The reason why I came back dto sa Pilipinas is yung daddy ko pinabalik ako. Pinagdirek niya ako ng show. Sa ngayon dito na ako base.”
Naiisip pa rin ba niya ang pagpapakasal, “I wanna have kids. Alam mo parang nasa pamilya namin ‘yun, na…kasi walang nagpakasal sa mga kapatid ko. Si Vandolph lang ‘yung (nag-asawa).”
“I guess we grow up na ganu’n ang sitwasyon namin. So, parang siguro parang ganun din kami.
“Kasi ang isang relatioinshiop nag-uumpisa naman ‘yan kapag nagsasama kayo, may respeto, so parang nakakalimutan na ‘yung sakramento ng kasal.
“And sometimes, bago dumating sa punto na gusto ng magpakasal we fall out of love, maraming ganu’ng kaso, eh,” pahayag pa ni Eric Quizon.