ROAD to redemption dinner ang biro ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa imbitasyon niya sa ilang manunulat sa taping ng sitcom nila na Toda Max.
Ganoon naman talaga si Ai Ai kahit noon pa dahil sobrang malapit nga siya sa entertainment writers. She knows kasi kung gaano kalaki ang naiambag ng mga manunulat sa kanyan, personal at sa kanyang career.
Mabibilang na lang ngayon sa daliri ang tulad ng Comedy Queen na marunong mag-look back and look up. Marunong mag-share ng blessings sa kapwa at sa simbahan. Kaya tuluy-tuloy din ang blessing sa kanya.
Araw-araw siyang napapanood ngayon sa Showtime bilang hurado. Dalawa naman ang shows niya every Saturday, ang Wansapanataym at Toda Max.
Last Saturday, nasa Bet On Your Baby siya with son Seth, at kinagabihan nga sa Wansapanataym na nakakuha ng mataas na rating every weekend and then sa Toda Max nga with Angel Locsin and Vhong Navarro.
Next month aalis si Ai Ai for a series of shows sa US. Doon na magse-celebrate ng kanyang 48th birthday ang Comedy Queen. Supposed to be diretso bakasyon na siya sa Amerika with her children na sina Sancho, Nicolo at Sophia, but she needs to comeback dahil may shows pa siya sa ibang bansa.
Kaya ang mga anak na lang ang uuwi ng Pilipinas para sama-sama silang magse-celebrate ang Pasko rito. Feel din palang i-try ni Ai Ai ang mag-eat, pray and love.
Gusto niya sa Italy ma-in love, sa Rome mag-pray at sa Taipei kumain ng masasarap na pagkain. Ang guess kung sino ang nag-advice sa kanya na mag-travel alone, ang bago niyang “friend” na si Lui Villaruz, ang TV host na ex-boyfriend ni Angel Aquino.
“Pero ang dami niyang sinasabi sa akin, e. Kahit saan. Basta maganda raw sa Indonesia. Sabi ni Lui, ‘Kailangan alone ka muna. Next batch baka magkasama na kami. Naku, next batch! Ha-hahaha! Tsika! Landi-landi lang!” sambit ni Ai Ai.
Makakasama ni Ai Ai sa isang episode ng Wansapanataym si Lui at doon daw nag-start ang friendship nila, at kahit matagal nang tapos ang episode na ‘yun, tuloy pa rin daw ang tsikahan nila ni Lui though text and Facebook.
“Pero ganoon lang, ‘Paps, kumusta ka na?’ ‘Okey lang, Paps’ Tawag namin sa aming dalawa kasi puppy. Parang barkada,” pa-cute niya.
Hindi naman daw nagpaparamdam sa kanya si Lui na gusto niyang maka-date si Ai Ai. But if ever magparamdam si Lui, “Bakit naman hindi? Ang landi-landi (ko)! Ha-hahaha!”
Aarte pa raw ba siya, e, businessman, taga-London ang pamilya at guwapo si Lui, huh! Pero hindi alam ni Ai Ai na ex-girlfriend ni Lui ang aktres na si Angel Aquino. Parehong may anak at mas mature sina Angel at Ai Ai kay Lui.
Kaya pwede talaga silang ma-link. “Subukan niya. Ha-hahaha. Pero parang masarap talaga siyang maging friend. Kaya nga, subok lang, pwede.”
Type raw ni Ai Ai ‘yung mga tsinito tulad ni Lui. In fact, lahat ng nakarelasyon niya ay mga tsinito pati na ang huling partner niya na si Jed Salang.
“Kaya ko nga siya nataypan, e! Joke. Gusto ko mga tsinito, parang Malaysian, Singaporean, Intsik, Hapon. Mga mukhang Hapon, ‘yung mga mapuputi, type ko. Hindi ko alam, e.
Pero mas gusto ko friend ko muna siya. Friend, friend, friend.” Syempre, hindi naman basta maka-go alone sa ibang bansa si Ai Ai lalo’t maya’t maya ay hinahanap siya ng kanyang mga anak.
Ibinuking naman ni Ai Ai na ang crush ngayon ng kanyang panganay na anak na si Sancho, ito’y walang iba kundi ang bagets na si Lisa Soberano.
“Oh, my God, oo. Crush na crush ni Sancho. Sasabihin nu’n, ‘Oh, my God, Ma!’ ‘Yun na lang nasabi niya. Pwede bang mai-date man lang anak ko ‘yun?
Kahit date lang naman, nagpapaalam naman ako sa manager, e (Ogie Diaz). Samahan na niya,” biro ni Ai Ai. And as for Ai Ai, happy naman daw siya kahit wala siyang partner ngayon.
“Yung totoong relasyon? Hindi ko kaya, e. Parang nahihilo ako sa nangyari sa buhay ko. Parang hindi ko ma-imagine na nangyari sa akin lahat ‘yun. Madali naman akong tumayo.
Not necessarily na buong-buo. Hindi naman ako ganoon talaga, e. Ngayon, ano, three-fourths na buo. Konti pa. Konting-konti na lang,” pahayag pa niya.
Mabubuo lang daw siya kapag dumating na ‘yung isang bagay na hinihintay niya na mapawalang-bisa.
Kasama ni Ai Ai delas Alas bilang judge sa Showtime this week ang nagbabalik-Kapamilya na si Amy Perez. Pumirma na ulit siya ng kontrata sa ABS-CBN para sa bago niyang show with Roderick Paulate, ang The Singing Bee.
Actually, nasulat na namin noon na balik-Kapamilya network si Roderick nang makausap namin siya sa premiere night ng “Kung Fu Divas.” And we even mentioned to him na magkakasama ulit sila ni Amy sa show after they both hosted ABS-CBN’s former noontime show na Magandang Tanghali Bayan.
This weekend ay magsisimula ng mag-taping sina Amy at Roderick for their new show sa Kapamilya station. According to our source, ieere ang show nila sa timeslot ng isa sa magbababung game show ng Kapamilya network.