AI AI walang bonggang b-day party, magdo-donate sa Bohol


Gusto ng Star Cinema na magkaroon ng part 5 ang “Tanging Ina” series na ididirek pa rin ni Wenn Deramas.Base sa bilang ni direk Wenn ay nakaapat na ang “Tanging Ina” na siya ang nagdirek at pang-lima ang “Enteng Ng Ina Mo” na ipinalabas noong 2010 sa Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Ai Ai, ayaw na niyang gumawa ng “Tanging Ina” dahil nga gusto niyang panindigan ang tag line ng huling installment nito na “Last na ‘To”, “Sinabing ‘last na to’ e, di ba last na, so last na talaga.

Buti sana kung sinabing, ‘Tanging Ina Mo, mamahinga muna o rest muna para puwedeng may kasunod, e, wala sinabi last na ‘to, so dapat last na,” nakangiting sabi ni Ms. A.

Tinanong namin paano kung ang mismong Star Cinema managing producer na si Malou Santos ang magsabi na kailangang may part 5? “Hindi ko pa masagot, eh,” mabilis niyang sagot.

Samantala, kaarawan ni Ai Ai sa Nob. 11 at papunta siya ng Amerika para mag-show at sabay bakasyon na rin, pero gusto sana muna niyang mag-blow out bago siya umalis. “Naisip ko na imbes na magpa-party, ibibigay ko na lang sa mga nasalanta ng lindol sa Cebu at Bohol.”

Read more...