BTS Jung Kook ibabandera ang bagong single na ‘3D’ sa September 29

BTS Jung Kook ibabandera ang bagong single na ‘3D’ sa September 29

PHOTO: Courtesy UMG PH International

EXCITED nanaman ang fans ng K-Pop supergroup na BTS, lalo na ‘yung mga bias kay Jung Kook.

Sa darating kasi na September 29, magre-release ang K-Pop idol ng bagong kanta!

Ito ang second solo single niya na pinamagatang “3D” featuring American rapper-singer Jack Harlow.

Magugunitang dalawang buwan lamang ang nakalipas mula nang ilabas ni Jung Kook ang kanyang first-ever solo na “Seven” na nakapasok sa Billboard’s Hot 100 at nag-number three sa UK Official Singles Chart.

Ang bagong kanta ng BTS member ay una niyang ipinasilip sa 2023 Global Citizen Festival na naganap sa Central Park sa New York noong September 3.

Baka Bet Mo: BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’

Para sa kaalaman ng marami, siya ang kauna-unahang South Korean artist na nag-headline sa naturang music festival.

Ilan lamang sa mga tinanghal niya ay ang mga kantang “Seven,” “Euphoria” at “Still with You,” pati na rin ang medley ng BTS hits na “Permission to Dance,” “Dynamite” at “Butter.”

At sa pagtatapos nga ng kanyang performance ay doon niya ipinakita ang isang video kung saan mapapanood ang snippet ng kanyang “3D” song.

Kamakailan lang, nag-renew ng kontrata under Big Hit Music ang lahat ng miyembro ng BTS na sina RM, Jin, Suga, j-hope, Jimin, V at Jung Kook.

Ito ay sa gitna ng kanilang hiatus upang makapag-focus sa kanilang solo careers at mandatory military service sa South Korea.

Ayon pa sa music label, patunay ito na magpapatuloy pa rin ang karera ng grupo pagkatapos ng kanilang enlistment sa darating na 2025.

As of this writing, ang mga miyembro na sumabak na sa military enlistment ay sina Jin at j-hope, habang si Suga ay nakatakdang pumasok sa military training sa September 22.

Kung matatandaan, June 2013 nang mag-debut ang BTS o kilala rin bilang “Bangtan Boys” o “Bangtan Songyeondan.”

Ang unang album nila ay pinamagatang “2 Cool 4 Skool.”

Related Chika:

Mga miyembro ng BTS nag-renew ng kontrata sa Big Hit Music

Read more...