Diego Loyzaga handang magbigay ng reward sa makakapagbalik ng phone ng kanyang partner: My child’s photos are there

Diego Loyzaga handang magbigay ng reward sa makakapagbalik ng phone ng kanyang partner: My child's photos are there
NANAWAGAN ang aktor na si Diego Loyzaga sa madlang pipol na tulungan siyang mahanap ang nawawalang cellphone ng kanyang partner.

Sa latest Instagram post at story ng aktor na ihinahagi ngayong araw, September 23, nakiusap ito sa mga netizens na nakahanap o nakakita ng nawawalang cellphone na ibalik ito sa kanila.

Pagbabahagi ni Diego, nasa nawawalang cellphone ang mga larawan ng kanyang baby girl.

Hindi naman na nagbigay pa ng detalye ang aktor kung sino ang tinutukoy niyang “partner” na ina ng kanyang anak.

“To anybody or whomever found my partner’s phone, I’m willing to give any reward if you find it,” saad ni Diego sa kanyang post.

“My child’s photos are there and are irreplaceable,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga muling ibinandera ang baby girl sa madla: Somebody liked the beach

Bandera IG

Nakiusap rin si Diego na i-share ng iba pang netizens ang kanyang panawagan.

“These are memories that can’t be replaced. Please help us,” sabi pa ng aktor.

Matatandaang unang isinapubliko ni Diego ang pagkakaroon ng anak noong June. Bago pa ang pa-reveal ng aktor ay ilang araw nang usap-usapan kung true nga ba na ganap na siyang ama.

Sa kabila ng rebelasyon ni Diego ay pinili nitong huwag munang magbahagi ng larawan ng anak maging ang detalyd kung sino ang ina at kanyang partner.

Samantala, sa interview ng Philippine Daily Inquirer kay Cesar Montano, ama ng aktor, inamin nitong Hailey ang oangalan ng apo niya.

Related Chika:
Barbie Imperial knows nga ba kung sino ang ina ng anak ni Diego Loyzaga?

Cristy Fermin sinabing non-showbiz girl ang ina ng anak ni Diego Loyzaga

Read more...