NAKAKALOKA ang latest na kaganapan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)!
Huli sa CCTV ang isang security officer na nilunok ang $300 o katumbas ng mahigit P17,000 matapos dukutan umano ang isang pasahero.
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ito sa final security checkpoint noong September 8.
Papaalis na sana ang Chinese passenger nang mapansin niyang nawala ang pera sa kanyang wallet kaya dali-dali siyang nagsumbong sa mga pulis ng airport, at doon nga nakita sa CCTV ang ginawa ng babaeng security officer.
Baka Bet Mo: LTO nais maghigpit sa pagkuha ng driver’s license, mga sangkot sa ‘road rage’ papatawan na ng mabigat na parusa?
Dahil sa nangyari, iniutos na ni Transportation Sec. Jaime Bautista sa Office of Transportation Security (OTS) na sampahan ng kaso ang nahuling security screener.
Ayon sa inilabas na pahayag, nakipag-ugnayan na ang Department of Transportation (DOTr) kay Undersecretary for Legal Affairs na si Atty. Reinier Yebra upang tumulong sa mga isasampang kaso.
Tiniyak din ng ahensya na hindi lang ang nahuli sa CCTV ang paparusahan, pati na rin ang mga sangkot sa insidente ng pagnanakaw.
Ang mga mapapatunayan daw na guilty ay papatawan ng pinakamataas na parusa, lahad sa pahayag.
“The Secretary has authorized imposing the maximum penalty to those found guilty to demonstrate the Department’s determined push to rid NAIA as well as other attached agencies of scalawags,” sey ni Bautista.
Sa kasalukuyan, ang nabanggit na screening security ay nasa ilalim na ng preventive suspension, nakabinbing imbestigasyon, at inirekomendang kasuhan ng legal at administrasyon.
Related Chika: