ANGEL, PHIL nagkasawaan kaya naghiwalay


HIWALAY na ba talaga sina Angel Locsin at Phil Younghusband? May mga nakausap kaming source kahapon na nagsabing totoo raw na split na ang magdyowa, pero ayon naman sa ilang malalapit sa dalawa, wala silang kaalam-alam sa napaulat na break-up.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag sina Angel at Phil tungkol dito, kaya mas marami ang naniniwala na break na nga sila.

Knowing Angel daw na kapag hindi totoo ang isang isyu tungkol sa kanila ni Phil ay magsasalita agad. But this time, parang napipi raw ang aktres.

Ang sabi ng manager ni Angel na si Manay Ethel Ramos, wala rin daw siyang idea na naghiwalay na ang magkarelasyon, at halos ganito rin ang naging pahayag ng manager ni Phil na si Cathy Nazareno, kasabay ng pagsasabing hindi raw siya nakikialam sa personal na buhay ng kanyang alaga.

May nagsabi rin sa amin na matagal na raw na hindi nagpapalitan ng sweet messages at tweets ang dalawa sa kanilang Twitter at Instagram account na very unusual sa kanilang “routine” kaya malamang na may problema nga ang  magdyowa.

Sabi naman ng nakachika namin, baka raw nagkasawaan na ang dalawa kaya nagdesisyon na silang maghiwalay na lang muna.

Pero naniniwala kami na hindi ang tipo ni Angel ang basta na lang makikipag-split sa isang lalaki, tiyak na may malalim na dahilan kung totoo ngang winakasan na nila ni Phil ang maganda nilang samahan.

READ NEXT
Breast cancer
Read more...