SA kabila ng mga pinagdaraanan ngayon ng controversial drag queen na si Pura Luka Vega o si Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay ay nananatili pa rin siyang positibo.
Matatandaang nagsimulang maging laman ng usap-usapan ang drag queen matapos mag-viral ang isa niyang drag performance ng “Ama Namin” remix song.
“Laban lang. ,” panimulang saad ni Luka sa kanyang Instagram post kalakip ang kanyang larawan na kuha sa labas ng Hall of Justice sa Quezon City.
Pagpapatuloy niya, “When people ask for pictures, I entertain them. Masaya makinig at makipagkwentuhan sa mga tao para magkaunawaan.”
Chika pa ni Luka, nakabihis drag siya sa tuwing uma-attend ng hearing dahil layunin niya na ma-educatr ang ibang tao ukol sa drag.
“I attend in drag to normalize the art of drag in public spaces as well as educate and share queer experiences and practices,” sey ng drag queen.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’
Labis rin naa-aapreciate ng drag queen ang prosecutor na nagtatanong kung ano ang kanyang pronouns.
Lahad ni Luka, “l am also very pleased that the prosecutor has asked for my pronouns.. Amidst all the challenges, I remind myself to be kind.
Kalakip rin ng kanyang post ang isang quote mula kay Maya Angelou.
“Try to be a rainbow in someone’s cloud.”
Una nang nanawagan ng tulong pinansyal si Luka mula sa publiko upang makatulong sa kanyang pantustos sa mga gagastusin niya sa pagdalo sa korte para harapin ang kasong isinampa sa kanya.
Matatandaang inireklamo siya ng mga religious leaders at mga deboto ng Itim na Nazareno dahil sa kanyang viral at controversial drag performancez
Matatandaang nanawagan kamakailan ng tulong pinansiyal ang drag queen para umano sa mga gagastusin nila sa korte ngayong Setyembre.
Bukod ps rito ay idineklara na ring persona non grata si Luka sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Related Chika:
‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol
Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Maynila