NAIGUGUHIT na ngayon ang mga ngiti sa mukha ng 10-taong gulang na si Gadiel Caagusan, salamat sa JC Cares Foundation at GMA Kapuso Foundation.
Ang Grade 3 pupil na si Gadiel ay nadiskubre na may kakaibang kapansanan — ang tongue hemangioma o ang labis na pamamaga ng dila.
Noong Marso, 2022, unang inaruga ng JC Cares Foundation, katuwang ang GMA Kapuso Foundation si Gadiel nang sumailalim ito sa napakasensitibong angiogram at embolization procedure.
Matapos ang pitong sessions ng sclerotherapy dahan-dahan nang lumiit ang dila ni Gadiel.
At noong September 2, nagsilbing host pa ang House of Franchise sa event na “The Gadiel Smile: A New Beginning” kung kailan humarap muli sa publiko si Gadiel.
Binigyan siya ng P50,000 nina Jonathan So at Carlito Macadangdang, ang nagtatag sa JC Cares Foundation, para sa kanyang speech therapy.
Baka Bet Mo: JC Premiere nagbukas ng business shop sa Canada dahil sa lakas ng JC Organic Barley products
Samantala, ang HOF at JC Teams na Mafia, Chosen, Freedom Hunters, RM, Magnetar, Bless Eagles, Eralista, at Driven, ay nagbigay ng kanya-kanyang grocery goods at school supplies kay Gadiel sa layon na mapabuti ng tuluyan ang buhay ni Gadiel.
Itinatag nina So at Macadandang ang JC Cares Foundation noong 2018 sa simpleng motto na #KeepHelping.
Bukod sa kanilang charitable actions, pangarap nina So at Macadangdang na makapag-ambag sa positibong pagbabago sa mundo at maging ugat ng walang hanggang pagmamalasakit sa kapwa upang mapaunlad ang kanilang buhay.
Ngayon sa paglaban na rin ni Gadiel na mapagtagumpayan ang kanyang kondisyon ang kanyang mga ito ay nagsisilbing “ilaw ng pag-asa” sa lahat sa tulong ng mga mabubuting puso.
Samantala, sa naturang event, kinilala na rin muli ang katangi-tanging pagsusumikap ng franchisees ng HOF at ang mga JC top-performers ay tumanggap ng mga insentibo bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon na makatulong sa kapwa.
Related Chika:
JC founders Jonathan So at Carl Macadangdang, GMA artists sumuporta sa Gawad Kalinga
JC napasok na ang Switzerland dahil sa lakas ng JC barley products