Kilalang personalidad iniwan sa ere ang kasosyo sa beauty product; ‘Senior High’ ni Andrea Brillantes umaariba sa ratings

Kilalang personalidad iniwan sa ere ang kasosyong beauty product; ‘Senior High’ ni Andrea Brillantes umaariba sa ratings

blind item, Andrea Brillantes

“INIWAN kami sa ere!” to ang hinaing ng ilang nakausap naming kasosyo sa isang beauty products na ang tinutukoy ay ang kilalang personalidad na inalok silang maging investor.

Maayos naman daw kausap ang kilalang personalidad pero ilang buwan palang ang nakalipas ay nabalitaang hindi na konektado ito sa nasabing beauty products at wala ring binanggit na ibabalik ang na-invest nila pero nu’ng una raw ay sinabing “guaranteed” naman.

Nag-reach out daw ang mga kausap sa kilalang personalidad pero hindi na sila sinasagot at hindi rin tinitingnan ang kanilang messages sa social media account.

“Parang naka-block na kami,” sabi pa sa amin.

Baka Bet Mo: Liza Soberano kasosyo sa Careless talent agency nina James Reid at Jeffrey Oh, naglabas ng malaking halaga pero nalugi?

Sa kasalukuyan ay may iba pang kausap ang ilang kasosyo para maghain na ng demanda sa kilalang personalidad.

Ayaw pang ipabanggit ang pangalan ng kilalang personalidad dahil umaasa pa ring makikipag-usap ito pag natanggap na nito ang demand letter mula sa kanilang abogado

*** 

Base sa overnight data ratings nitong Huwebes, Setyembre 14, na inilabas ng AGB Nielsen ay nasa top 11 ang programang “Senior High” ng aktres na si Andrea Brillantes na napapanood sa A2Z, TV5, KAP CH at Jeepney TV na nakakuha ng 4.1%

Patuloy lang na nanatiling malakas si Andrea kahit na kaliwa’t kanan ang “puna” sa kanya ng netizens kamakailan dahil sa mga lalaking gusto nitong maka-date.

Anyway, gawing masaya ang panonood ng “Senior High” dahil available na ito sa buong mundo nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

 Pwede nang mag-binge watch ng pinakabagong episodes ng trending Kapamilya teleserye sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia kung saan week-long episodes ang ipapalabas kada Lunes simula Setyembre 11. 

Patuloy na umaani ng papuri ang “Senior High” para sa mahalagang mensahe ng kwento tungkol sa mga isyung kinakaharap ng kabataan ngayon tulad ng bullying, mental health, peer pressure, substance abuse, at iba pa.

Nakalikom na ito ng pinagsama-samang higit 38 milyong digital views sa YouTube, Facebook, at iWantTFC para sa unang dalawang linggo ng serye. 

Sa pinakahuling mga rebelasyon sa Senior High ay ibinunyag na ni Archie (Elijah Canlas) sa lahat ang katotohanang nambabae ang tatay niyang si Harry (Baron Geisler) at ito nga ang totoong ama ng twins na sina Luna at Sky (Andrea). 

Dahil dito, nanganganib na lalong papahirapan si Sky ng mga bully na sina Archie at Z (Daniela Stranner) ngayong alam na nilang magkakapatid sila. 

Panoorin ang “Senior High” nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Chika:

Read more...