Chesca Kramer proud na proud kay Scarlett, ipinagmalaki ang talento at talino ng anak

Chesca Kramer proud na proud kay Scarlett, ipinagmalaki ang talento at talino ng anak

Chesca Kramer, Scarlett at Doug Kramer

PROUD mommy ang aktres at dating TV host na si Chesca Garcia sa pangalawang anak nila ni Doug Kramer na si Scarlett.

Ramdam na ramdam ang excitement sa pagpe-flex ni Chesca sa social media ng homeschool journey ni Scarlett na aniya’y punumpuno rin ng talento bukod pa sa lumalaking napakabait na bata.

Ipinost ni Chesca sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Scarlett kasama ang mister na si Doug. Suot pa ng sister ni Kendra ang kanyang graduation dress.

Sey ni Chesca sa kanyang caption, “Scarlett has blossomed in her independence, excelling in self-study, time management, and taking ownership of tasks.

“Her unwavering focus and willingness to seek answers make her a beacon of growth.

“Her compassionate nature, generous spirit, and exceptional baking skills demonstrate her potential to impact the world positively,” ang mensahe pa ng aktres  ni Cheska sa kanyang IG post.

Ang palagi raw niyang ipinagdarasal bilang magulang ay gamitin sana ng kanyang anak ang talento at talino para bigyang-parangal at dakilain ang Panginoong Diyos.

Baka Bet Mo: Chesca Garcia ayaw pang bumalik sa showbiz: ‘My kids are so small, parang I still want to be with my children…’

“As parents, we pray she continues to honor God, using her talents to bring glory to His name.

“We are immensely proud of Scarlett and will forever be her ardent cheerleaders,” lahad ng aktres.


Pahabol pa niyang mensahe para kay Scarlett, “We love you so much Scarlett! We are always so proud of you our baby girl.”

Sunod-sunod naman ang pagbati ng mga netizens kay Scarlett pati na run kay Chesca bilang isang uliran at dakilang ina.

“Congratulations Ate Scarlett.”

“Congratulations ate!”

“Congratulations Scar!!! Ninang loves you.”

“Ganda naman ng favourite ko.”

“Congrats Scarlett! Same pala tayo ng school hahaha. Sayang di nako Dyan nagcontinue mag school.”

“Congrats, scarlet your so beautiful…keep up the good work.”

“Praise God for a fruitful homeschooling journey!  Congratulations, Scarlett and Kramer family!”

“Such a gorgeous doll!”

Scarlett Kramer nagligtas, nag-ampon ng aspin: Dogs don’t deserve to be in the streets!

Doug sa solid na pagsasama nila ni Chesca: Never pang nag-away sa pera, tuloy ang date night, sabay na nagdarasal

Read more...