Para sa may kaarawan ngayon: Gawing oportunidad ang mga problemang dumarating. Mag-isip ng paraan upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paparating na ang kapaskuhan, lalo namang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Red at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Ito ang pinakatamang pagkakataon upang daigin ang iba. Ituloy ang binabalak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Leo kesa manatiling zero ang love life. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Orange at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Disiplinahin ang sarili upang lumusog at sumeksi. Iwasan ang katakawan upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 4, 13, 15, 24, 31, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation at pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad. Sa pagtulong sa kapwa, lalong gaganda ang kapalaran higit lalo sa larangan ng pag-ibig at salapi. Mapalad ang 5, 14, 28, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Sa pagdadalawang-isip ay mabibigo ka. Kikita ng malaking halaga kung ipapatupad agad ang anumang unang pumasok sa isipan. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Orange at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Ingatan ang natitirang salapi. Huwag kang gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Tipirin ang pera para sa nalalapit ng kapaskuhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Yellow at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Bigyan ng ultimatum ang iyong sarili upang magkaroon ng direksyon ang buhay. Unahing tapusin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipaunawa sa kasuyo na kailangan n’yo ng yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Purple at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa pag-ibig, bagong estilo ng pakikipagromansahan ang dapat upang muling sumiklab ang nanlalamig na relasyon. Sa pinansyal, pigilin ang sarili na mangutang nang mangutang. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Hindi darating ang suwerte kung puro hintay lang ang iyong ginagawa. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong nagpapa-hard-to-get. Mapalad ang 1, 7, 25, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay makapangyarihan. Kapag marami kang salapi ang lahat ay iyong mapapasunod. Sa pag-ibig, ngayong nalalapit na kapaskuhan pera ang magdudulot ng kaligayahan sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Black at emerald green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Kahit mahilig kumontra ang kasuyo hindi dapat i-itsapuwera ang kanyang mungkahi. Ano ang malay mo dahil sa pagsunod sa suhestyon ng kasuyo ay siya pa ang maging daan upang makamit ang tagumpay at pagwawagi. Mapalad ang 3, 12, 18, 33, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pinansiyal, kung kailan ka walang-wala ay biglang dating ang napakalaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, mag-ingat dahil may babala ng isang immoral na relasyon. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Aum-Agiel-Om.” Red at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Upang mas madaling matupad ang mga pangarap ay isulat sa papel at ipaskel sa mga lugar na madalas mong makita. Sa ganyang paraan, five years from now, kusang matutupad ang mga mga pangarap na isinulat mo sa papel. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Green at blue ang buenas.
HOROSCOPE October 23, 2013
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...