NANINIWALA kami na walang namamagitang something special sa pagitan ni KC Concepcion at sa NBA player na si Chandler Parsons.
Sa chikahan kasi nina KC, Kris Aquino at Judy Ann Santos sa Kris TV kamakalawa, iwas na iwas ang TV host-actress na pag-usapan ang pakikipag-date niya sa basketbolista.
Halatang hindi komportable si KC na pag-usapan ang Houston Rockets Power Forward na bumisita nga kamakailan dito sa bansa para sa pre-season global game ng NBA.
Kumalat kasi ang chika na magdyowa na raw ang dalawa, ito’y sa kabila nga ng mga balita na may girlfriend na si Chandler sa Amerika.
Kinulit ni Kris si KC na magkuwento tungkol sa pagkikita nila ng foreigner habang kumakain sa isang restaurant na pinuntahan nila para sa Kris TV, “May welcoming dinner lang kami.
Dito kami sa The Fort, we were 15. Ayaw ko na pag-usapan.” Tinukso muli ni Tetay si KC at tinanong kung bakit ayaw nitong pag-usapan si Chandler, “E kasi umalis na sila.”
Kasabay nito, sinabi ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na kasama niya sa naturang “date” ang mga kapatid na sina Garrie at Cloie at na-meet nga rin nila ang ka-teammates ni Chandler.
“Yes I was with my sisters, I was with his other teammates and then I was with my friends. Ang dami namin, we made them taste Pinoy food.
Sa Aracama kami (The Fort) pero actually malapit na lang siya sa Prive at Imperial, so para, strict kasi yung security nila so nandun lang kami sa isang area. Pero wala silang masyadong nakita.”
Na hiniritan naman ni Juday ng, “Malamang babalik siya kasi wala silang nakita.” Pero matigas na sabi ni KC wala silang relasyon ng NBA player, “Friends kami, yun lang.”
Inamin din niya na napanood niya ang laban ng Rockets at Pacers kamakailan, “Oo nanood ako, binigyan niya ako ng ticket sa game.
Nanood ako, it was my first time, wala talaga kong alam sa basketball…it was my first time to see a live game, and then it was just nice kasi nga a lot of people saw that we were tweeting kaya siguro nilagyan ng anggulo, ng romance na anggulo kasi they have been seeing us tweet.”
At para matigil na ang issue sa kanila ni Chandler, sinabi muli nitong, “We are friends. I had a good time. We had a good time.”