MAKASAYSAYAN ang bagong inilunsad na kurso ng isa sa tinaguriang Ivy League school ng Amerika, ang Harvard University.
Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay nagkaroon na ng “Filipino language (Tagalog) courses” ang nasabing unibersidad.
Para sa kaalaman ng marami, ang Tagalog ang ika-apat na lengwahe na madalas gamitin sa United States (US), maliban pa sa Ingles, Español, at salitang Intsik.
At dahil nga sa bagong kurso, naging makasaysayan rin ang pag-hire sa Cavite teacher na si Lady Aileen Orsal bilang kauna-unahang Filipino language instructor ng nasabing eskwelahan.
Nagsimulang magturo si Teacher Aileen noong September 5 sa ilalim ng programang Elementary and Intermediate Filipino (Tagalog) courses.
Noong August 25, naglabas ng pahayag ang faculty director ng Harvard University Asia Center (HUAC) na si James Robson at inihayag ang mainit na pagtanggap sa bagong Pinay teacher.
“Dear Friends of the Asia Center, the Harvard University Asia Center and the Department of South Asian Studies are pleased to announce the hire of Lady Aileen Orsal as Preceptor in Filipino Languages (Tagalog),” pahayag ni Robson.
Baka Bet Mo: Barong Tagalog ni Robin para sa 19th Congress at Sona 2022 binili sa isang mall; OOTD ni Imee may ‘ipinaglalaban’
Ayon sa HUAC, si Aileen ay dating nagtuturo ng Filipino sa Cavite State University kung saan doon din siya nakapagtapos ng B.A. in Mass Communications noong 2012 at Master’s Degree in Philippine Studies noong 2017.
Ang teaching career ng guro ay nag-umpisa bilang Fulbright Foreign Language Teaching Assistant sa Center for Southeast Asian Studies sa Northern Illinois University noong 2018.
Sa kasalukuyan ay parehong kinukumpleto ni Aileen ang kanyang Master’s degree sa kursong Communication sa Northern Illinois University at Ph.D. in Philippine Studies sa De La Salle University sa Pilipinas.
“Lady Aileen is a dedicated, creative, and effective teacher who is committed to being a leader in Filipino language pedagogy. She also has an impressive background in Philippine Studies, including Philippine culture, history, and politics,” sey ng Harvard University sa pahayag.
Dagdag pa, “She has conducted research and published on traditional tattoo art, the coffee culture of the Philippines, and the use of music in political campaign jingles.”
Related Chika:
Kim Chiu nag-iiyak, nagkulong sa CR nang tuksuhin ng mga kaklase sa school, anyare?