Janella nagluluksa sa pagpanaw ng 1 pang alagang pusa: ‘Thank you for choosing us to spend your precious life with’

Janella nagluluksa sa pagpanaw ng 1 pang alagang pusa: ‘Thank you for choosing us to spend your precious life with’

PHOTO: Instagram/@superjanella

MAKALIPAS ang halos walong buwan, muling nagluluksa ang aktres na si Janella Salvador dahil pumanaw ang isa pa niyang alagang pusa.

Kung maaalala, noong Enero lamang nang namaalam ang aktres sa kanyang pet cat na si Twinkie.

Ngayon naman, si Fluffy na kanyang alaga for 18 years ang sumakabilang-buhay noong September 2.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Janella ang ilang pictures nila together bilang pagpupugay sa kanyang fur baby.

Ipinakita rin ng aktres ang kanyang heartbreaking moment na kung saan ay humahagulgol siya ng iyak habang nakalamay si Fluffy.

Baka Bet Mo: Janella Salvador nagkaroong muli ng ankle injury: Just a clumsy not so little girl

“Pets deserve to live longer lives. But 18 years is something… so thank you for choosing us to spend your precious life with,” sey ng 25-year-old actress-singer sa post.

Inalala rin ng aktres nang matupad ang kayang pangarap na magkaroon ng isang white Persian cat.

“Little Jea was over the moon when she got her dream white fluffy Persian cat (hence the name). I was always so excited to show you off to visitors and you gladly welcomed them every single time. In fact, you loved the attention,” kwento niya.

Chika pa niya, “You would come up to us, sit right beside us, reach out for us with a paw and stare for hours until someone would finally give in and snuggle with you.”

“You were the yin to Twinkie’s yang… whom you’re now reunited with in paradise. [emojis] Run free and save some spots for us up there, my Fluffywuffwuff. We will miss you forever,” mensahe pa ni Janella.

Sa comments section, mababasa na nakiramay ang “Darna” co-stars na sina Jane De Leon at Mark Manicad, pati na rin ang mga aktres na sina Maymay Entrata, Sue Ramirez at Ella Cruz.

Bago pa man mawala sina Twinkie at Fluffy, noong nakaraang taon lamang ay pumanaw ang pet dog ni Janella na si Max.

Related Chika:

Sarah tumigil na rin sa paglafang ng karne, nakikipaglaban para sa karapatan, kaligtasan ng mga hayop

Read more...