Claudine niregaluhan ng gadget ni Gretchen, hindi raw pwedeng madalaw dahil sa ‘nakakahawang sakit’

Claudine niregaluhan ng gadget ni Gretchen, hindi raw pwedeng madalaw dahil sa 'nakakahawang sakit': 'She just wanted to spoil me as always'

Claudine Barretto at Gretchen Barretto

PINATUNAYAN ni Claudine Barretto sa buong universe na walang isyu o problema sa pagitan nila ng kanyang sisterakang si Gretchen Barretto.

Marami kasi ang nagtatanong sa aktres kung totoo ang chika na magkaaway na naman sila ni Greta dahil hindi na siya nagbibigay ng updates tungkol sa kanyang ate sa social media.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ni Claudine ang iniregalo sa kanya ni Gretchen na bagong iPad. Ito raw ang pagpaparamdam ni Greta ng pagke-care sa kanya.

Ayon kay Claudine, may sakit daw kasi siya kaya gusto siyang pasayahin at i-spoil ng kanyang ate.

Kalakip ang litrato ng natanggap niyang gadget mula kay Gretchen ay ang pagpapasalamat niya rito, “Shout out to my Ate Gretchen. Yay ive a new ipad. she gave me the Best ipad with the Pen & keyboard.

“Im sick & Sad today & she just wanted to SPOIL ME AS ALWAYS. thank u my Ate. i luv u su mats,” aniya pa.

Ilang sandali pa lang ang nakalilipas ay muling ibinahagi ng aktres sa kanyang IG ang regalo sa kanya ni Gretchen at sa  caption ay nabanggit niya na meron siyang “nakakahawang” sakit.


Sabi pa ni Claudine, hindi raw siya sanay makatanggap ng regalo dahil madalas ay siya ang nagbibigay ng mga gift.

Sey ni Claudine, “Shout out to my Ate Gretchen for my New Ipad & keyboard and Pen. I’m soo spoiled.

Baka Bet Mo: Gretchen Ho nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ama: You will live on in us

“She cant take care or visit me coz im nakakahawa so she surprised me with these instead. im not used to be the person given gifts its always me giving gifts. except my Ate Gretchen.

“When she finds out i need something or my cellphone or ipad is not updated she will always gift me without me saying.

“Thank u so much to my Ate.youre the sweetest.pls pray for my speedy recovery,” mensahe ng aktres.

Kung natatandaan, ginulat ni Claudine ang publiko nang lumantad siya sa isang event kung saan inirampa niya ang payat niyang katawan.

Sa guesting niya sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong May 5, 2023, sinabi ni Claudine na isa si Gretchen sa unang nag-congratulate sa kanya.

Intermittent fasting daw ang ginawa niya kaya nabawasan siya ng timbang. Ang IF ay isang eating pattern kung saan naka-schedule ang pagkain ng meals at pagpa-fasting.

Ang message raw sa kanya ni Gretchen nang makita ang resulta ng kanyang balik-alindog journey, “I am proud of you. You’re getting your life back and all.”

Gretchen, Claudine maayos ang relasyon: You are the most beautiful to me, my love!

Claudine proud sister ni Gretchen: You, my Ate, are the ‘Queen of people’s hearts’

Read more...