Mga estudyante ng pampublikong paaralan sa Pasig may ‘transportation allowance’ worth P1,500

Balita featured image

BUKOD  sa libreng school supplies, magbibigay rin ng “transportation allowance” ang lokal na pamahalaan ng Pasig City para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan.

Ayon sa anunsyo ni Mayor Vico Sotto na ibiandera sa facebook, worth P1,500 ang matatanggap ng bawat K-12 public school students.

Ang pamamahagi, aniya, ng nasabing allowance ay magsisimula sa September 6 at matatapos hanggang September 15.

“Mula Sept 6-15 (2023), magkakaroon tayo ng distribution ng ‘TRANSPORTATION ALLOWANCE’ mula sa LGU na nasa halagang 1,500 PESOS PER STUDENT,” lahad sa FB post.

Nagbigay rin ng update ang alkalde sa pagdating ng school supplies ng mga bata.

Baka Bet Mo: Allowance ng mga guro sa darating na barangay, SK elections tataasan – Comelec 

Ayon sa kanya, nagkaroon ng problema sa delivery kaya mauudlot ng kaunti ang pamimigay nito.

Hindi raw muna niya idedetalye kung anong aberya ang nangyari, pero tiyak naman daw na may darating.

“Ako po ay humihingi ng inyong pasensya. First time lang din natin ito; maasahan niyo na sa susunod na school year ay mas aagahan namin ang timeline,” pangako niya.

Sey pa ni Mayor Vico, “Alam kong maraming gastusin pag magpapasukan, kaya sana makabawi ako sa inyo kahit papaano sa pamamagitan ng nasabing cash allowance.”

Binanggit din ng mayor na nagsimula na ang delivery ng food supplies para sa programang “Malusog na Batang Pasigueño.”

“On track at nagsimula na rin po ang delivery at pamamahagi ng 1st Tranche ng MBP o MALUSOG NA BATANG PASIGUEÑO (tuna, iodized salt, vitamins),” sambit niya sa FB.

Kasunod niyan ay ibinalita niya rin na ang, “MBP 2nd Tranche (gatas), ngayong September din; Meron ding MBP 3rd Tranche (bigas) this semester.”

Libo-libong Pasigueño naman ang lubos na nagpapasalamat at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Thank you mayor napakalaking bagay po nito para sa aming mga anak at sa aming mga magulang na din… Hindi talaga kami nagkamali sayo [smiling face with hearts emoji] BEST MAYOR NA POGI PA [smiling face with hearts emoji].”

“Thank you po sa blessings Mayor Vico Sotto [red heart emojis].”

“Dito lang yan sa Pasig at umaagos lagi ang pag-asa [smiling face with hearts emoji] Salamat mahal naming Mayor!”

“Iba talaga mag-isip ang mayor ng Pasig…Lahat para sa kabataang Pasigueño mapapa-sana all na nanaman ang iba diyan…Godbless mayor at sa lahat ng bumubuo ng local government ng kapasigan.”

Read more...