Third party ba si Julie Anne San Jose sa gulo ng relasyon nina Kristoffer Martin and Joyce Ching? Sort of part two ito ng ibinalita namin yesterday na tipong magulo ngayon ang relasyon nina Kristoffer and Joyce as this is from the matinee idol’s mouth na nanggaling.
Too late nga kasi namin ito nalaman, may nagtanong lang bigla kung sina Julie Anne and Kristoffer na dahil balita ngang split na sina Kristoffer at Joyce.
As the male star of the GMA TeleBabad Kahit Nasaan Ka Man weeknights after Genesis clarify, magulo pa lang sila ni Joyce but not outright. Ang tanong, sa anong dahilan?
Here’s part of our interview with Julie Anne during our set visit kung saan present si Kristoffer. For the first time, pumayag si Julie Anne na makipaghalikan sa partner niya in a project, si Kristoffer nga, dito sa soap.
Hindi pa siya nakikipaghalikan on screen kahit na sa kaniyang long time love team na si Elmo Magalona so we wonder what makes Kristoffer special enough para pumayag siyang magpahalik.
Sagot ni Julie Anne, kasi daw kailangan sa eksena. Sabad ni Kristoffer, inalagaan niya naman daw si Julie Anne sa kissing scene.
We asked Julie Anne kung “baby” pa ito sa halikan and she said yes. Tinanong namin kung may nanliligaw sa kaniya na non-showbiz. Sure sa pagsagot si Julie Anne na wala.
Then tinanong namin kung may artistang nanliligaw. Blushed agad si Julie Anne at hindi sumagot. Then tinanong namin kung co-star niya sa soap (as we’re thinking it could be Lucho Ayala) and again, blushed to death si Julie Anne na hindi na makasagot.
As an added trivia, while we’re typing this Sunday, nag-tweet si Kristoffer ng, “That voice. The emotion. The tears. Felt.” Si Julie Anne ang nagpi-perform that time sa Sunday All Stars.
( Photo credit to Google )