WENN DERAMAS isinugod sa ospital, nagka-mild stroke


Me nakarating sa aming balitang nagka-mild stroke raw si direk Wenn Deramas. Ang chika sa amin last weekend, actually last Friday, ay isinugod sa isang private hospital si direk Wenn.

Pero hindi naman daw serious ang lagay ng box-office director at okay na raw ang condition nito. Ang alam namin, lagare si direk Wenn sa dalawang project, one with Vice Ganda at ang isa naman ay ang seryeng Galema na everyday ang airing sa ABS-CBN.

Medyo may pressure kay direk Wenn dahil kailangan niyang matapos ang movie ni Vice Ganda dahil malapit na ang playdate nito.

Ang dagdag pang chika, next year ay puno na ang schedule ni direk Wenn. Tama ba ang nakarating sa aming chikang naka-schedule siyang gumawa ng five movies sa Star Cinema next year?

Isa si direk Wenn sa nag-akyat ng maraming pera sa kaban ng Star Cinema kaya worried ang mga ito sa director.

( Photo credit to Google )

Read more...