Pangarap ni KYLIE na maging beauty queen di na matutupad dahil sa pagiging Muslim

Dream din pala ng girlfriend ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla na maging beauty queen. Matagal na raw niyang pangarap na sumali sa mga beauty contest.

Bukod dito, gustung-gusto rin daw ng nanay niya na maging beauty queen. Naiisip daw niya kasi na masarap ‘yung feeling na nabibigyan ng karangalan ang bansa mo kapag nanalo ng international title.

Kaya nga tuwang-tuwa siya nang manalong Miss World si Megan Young. Pero alam naman daw ni Kylie na parang imposible siyang makasali sa Binibining Pilipinas o sa Miss World Philippines dahil nga bawal siyang magsuot ng two-piece bikini dahil nga Muslim siya.

Sayang naman, pwedeng-pwede sana siya, di ba?

( Photo credit to Google )

 

Read more...