TINALO ng Lyceum ang St. Benilde, 66-54, para maitala ng Pirates ang pinakamagandang pagtatapos sapul nang sumali sa liga noong 2011.
Si Dexter Zamora ay mayroong 21 puntos para sa Pirates na iniwanan ang Blazers sa fourth period, 22-5, upang maisantabi ang 44-49 third-quarter deficit.
Tinapos ng Lyceum ang kampanya tangan ang 8-10 karta at hinigitan nila ang 7-11 baraha na naiposte sa unang taon ng paglahok.
Ang larong ito ay pagpapatuloy lamang sa naudlot na bakbakan noong Oktubre 10 nang itinigil ang laro sa 8:09 ng ikatlong yugto nang tumulo ang bubong dahil sa malakas na ulan.
Samantala, gumawa si Javee Mocon ng 20 puntos para pangunahan ang apat na San Beda Red Cubs na tumipak ng doble-pigura sa 95-84 panalo sa Letran Squires sa junior division.
Nagising ang Cubs sa third period upang kunin ang 69-65 kalamangan matapos maiwanan ng apat sa first half.
( Photo credit to INS )