KC Concepcion malalim ang hugot tungkol sa pamilya: ‘Ginagawa ko po ang lahat para maging mabuting anak at mabuting ate’
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Frankie Pangilinan, Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at KC Concepcion
NALUHA kami habang pinanonood ang panayam ni Nanay Cristy Fermin kay KC Concepcion kasama si Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kaninang tanghali.
Naglabas ng saloobin ang aktres at singer tungkol sa mga pinagdaraanan niya at aminadong apektado na nito ang mental health niya.
Binanggit ni ‘Nay Cristy na hinding-hindi niya makakalimutan at napaiyak siya sa pahayag ni KC noon na, “’Ako ang nag-iisang anak ng parents ko, ako ‘yung panganay pero ako ‘yung homeless.’
“Anak, pinaiyak mo ako ro’n. Hanggang ngayon nakatanim sa puso ko ‘yun. Gaano katindi ang emosyon ng isang anak na tulad mo? Oo, nag-iisa kang anak, oo ikaw ang panganay, may mga kapatid ka, half-sisters and half-brother, ako ang homeless, saan nanggagaling ‘yun?”
Habang nakikinig si KC sa sinasabi ni ‘Nay Cristy ay halatang pigil nito ang pagpatak ng luha at pinipilit na ngumiti.
“Parang ano po, ang ibig kong sabihin sa ganu’ng word, nasa gitna po lagi ang katulad ko, eh. Kahit po tanggap kayo nu’ng dalawang families close naman po ako sa families ng mommy (Pangilinan) ko at ng papa ko (Concepcion), I think marami pong makaka-relate sa akin na mga only child na naghiwalay na parents.
“Mahirap po (at) wala naman may kasalanan sadyang iba pa rin po ‘yung pakiramdam na lumaki ka from beginning to end na parang buo ang family na umpisa palang ‘yun na.
“Like kapag kasama ko po ‘yung mga pinsan ko sa Cuneta side ganu’n po ‘yung nararamdaman ko na may connect sa childhood mo na parang kayo ‘to and mahal na mahal ko naman po ‘yung families ko pero meron at meron pa ring complications sa family.
“Pero I’m very grateful naman po, hindi naman para sabihing hindi ka grateful, of course napaka-thankful ko po na tanggap ako ng both families, ‘yun nga lang po minsan siyempre iba pa rin ‘yung feeling,” simulang pagbabahagi ni KC.
“Even din sa mga parents na in-adopt ka or tinanggap ka depende rin po sa pamilya. ‘Yun po minsan may mga moments lang na kahit hindi sinasadya medyo mapi-feel mo rin na medyo naiiba ka sa iba,” mahabang paliwanag ng nag-iisang anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta-Pangilinan.
Pagkatapos magpaliwanag ni KC ay tinanong ni ‘Nay Crist yang viral issue ngayon na in-unfollow ng dalaga ang stepdad niyang si dating Sen. Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan. Si Miel na pina-follow niya ay hindi naman nagpa-follow back.
Pero bago ito tinanong ay nagpasintabi muna ang “CFM” host na hindi nila pinipilit ni Romel Chika na sagutin ito, kung nais lamang niya.
“Kapag showbiz po talaga tita parang (muwestrang dalawang kamay) lumaki. Hindi naman po masama na magkaroon ng time na meron kayong ina-unfollow, meron kayong ipa-follow. Mahirap lang po talaga kapag showbiz po ang family lahat pinupuna po.
“Pero ‘yung sa akin po like I said may mga complicated po talaga pagdating sa blended family, meron din talagang mga times na hindi po perfect. Hindi po kami perpekto at hindi po talaga kailangan perfect, so, wala naman akong gustong ikuwento pa apart from the fact na I just want peace of mind, I want to be happy, I want my family to be happy.
“Ang gusto ko lang is maging light, maging masaya, ayaw ko na ng maraming drama, ayaw ko ng (nag-iisip ng tamang term), ‘yung forgiveness kasi sa family important din ‘yun para maging okay ang takbo ng relationship ng lahat and mas gusto kong piliin ko ‘yung peace of mind ko tita,” malaman na paliwanag ni Maria Kristina Cassandra.
Sa mga sinabing ito ng dalaga ay gets namin kung saan siya nagmumula at sa pakiwari namin ay may kinalaman nga ito sa panayam niya na “dream come true” niyang makitang magkasamang masaya sa isang show ang magulang na sina Gabby at Sharon at sana maging magkaibigan after.
Sa kabilang banda, hindi naman ito binalewala ni KC in fact very vocal siyang pasalamatan at kung gaano niya kamahal si senador Kiko by posting sweet messages lalo na sa mga espesyal na okasyon sa kanyang social media accounts.
Pero sana naintindihan din na ang dugong nananalaytay kay KC ay Concepcion at Cuneta kaya sobra siyang na-excite nang malaman niyang may show ang magulang niya pagkalipas ng mahabang panahon na hindi nag-uusap at nagkikita dahil hindi niya inasahang mangyayari pa ito dahil may kani-kaniyang pamilya na ang dalawa.
Ipinagdiinan din naman ni KC na excited siya sa reunion ng magulang hindi pra magbalikan kundi sa show o concert lang.
At bilang panganay sa lahat ng magkakapatid ang mensahe ni KC, “Basta po ako, feel na feel kong maging ate like ‘yung sa vlog ko sa Father’s Day na lagi kong sinasabi na important ang dalawang tao sa isang relasyon work together to have a good relationship, kung meron man akong pagkukulang o pagkakamali kahit saan sa tingin ko mabibilang sa isang kamay lang ‘yun.
“Lahat ng ginusto ng family ko na gawin ko, ginawa ko, nagtapos ako ng kolehiyo, nagtrabaho ako, inalagaan ko po ang career, minamahal ko po ang mga tao, talaga pong ginagawa ko ang lahat para maging mabuting anak, mabuting ate.
“Kahit po ‘yung mga half-sisters ko na hindi ko na po kasama sa bahay pilit kong maging close kami from Garrie (anak ni Gabby kay Grace Ibuna), to Cloie (anak ni Gabby kay Jenny Syquia), to Frankie, Miel, Miguel (mga anak ni Sharon kay Kiko), to Samantha, Savanna (anak ni Gabby sa asawang Genevieve Yatco Gonzales). Close po ako sa mga half-sisters at half brother ko,” aniya pa.
At dito na inamin ng dalaga na may mga pagkakataong may mga bagay na hindi na niya kayang kontrolin.
“Mas gugustuhin ko pong i-keep ang aking peace of mind kasi po 30’s na rin po ako hindi na ako bata kaya may moments na (bumuntong hininga) isipin ko rin muna ang mental health ko kung ano ang makakabuti sa peace of mind ko.
“Kasi importante ‘yun para kaya kong mahalin ang mga taong in the way (kaya ko). Hindi po ako perpekto talaga pero pinipilit ko pong maging mabuting anak. Siguro po mas gusto ko na lang mag-focus sa conert ni mama at ni papa,” pahayag ni KC.
Sa tanong ni Nay Cristy kung may partisipasyon siya sa concert ng magulang, “Sana po. Ha-hahahaha! Kasi totoong buhay ko po ito. Ha-hahaha! Ang saya ko lang po.” Tumawa rin nang husto si Nay Cristy sa mga sinabi ni KC.
Samantala, isa pang looking forward si KC ay ang pagpapalabas ng comeback movie niyang “Asian Persuasion” dito sa Pilipinas.