Clara Benin excited na sa major concert after 7 years, ipagdiriwang ang paglabas ng sophomore album

Clara Benin excited na sa major concert after 7 years, ipagdiriwang ang paglabas ng sophomore album

PHOTO: Courtesy of OFFMUTE

BILANG pagdiriwang sa kalalabas lang na ikalawang studio album ng OPM singer-songwriter na si Clara Benin ay nakatakda siyang magsagawa ng major concert.

Pinamagatan itong “befriending my tears, a Clara Benin concert” na nakatakdang mangyari sa Music Museum sa San Juan sa September 22.

Magugunita nitong buwan lamang nang mag-release si Clara ng bagong album na “befriending my tears,” isang follow-up sa album na “Fragments” na inilabas noong 2020.

Nauna na niyang sinabi na ang bago niyang musika ay tungkol sa pagtanggap sa sarili at paghilom.

“This album’s lyrical theme is learning to believe in yourself,” paliwanag ni Clara.

Baka Bet Mo: Clara Benin may bagong hugot song tungkol sa ex-dyowa noong nasa probinsya

Dagdag niya, “You can surround yourself with all these people who love you and believe in you, but if you don’t love yourself and believe in yourself first, you’re just going to keep hurting inside.”

“We all need to learn how to befriend our tears in order to heal,” aniya pa.

Anyway, sa inilabas na pahayag ng music label na OFFMUTE ay nabanggit ni Clara na magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman sa upcoming concert.

“Headlining my concert at the Music Museum feels incredibly exciting and a bit nerve-wracking,” sey ng Filipino singer-songwriter.

Sambit pa niya, “I think that the venue’s classic charm and quality acoustics make it the perfect place to perform my new album! I really want my fans to be comfortable and fully immersed in my music, so choosing a seated venue was very important to me.”

Ibinunyag din ng singer na bukod sa mga kanta sa kanyang album, kakantahin din daw niya ang ilang mga paboritong awitin ng kanyang fans.

“I haven’t performed a very long set in a while,” paliwanag ni Clara.

Ani pa ng singer-songwriter, “You can expect to hear all the new songs from my album and, of course, some old favorites.”

Para sa kaalaman ng marami, taong 2016 pa nang huling magkaroon ng major concert si Clara.

Related Chika:

Sunshine 20 araw nag-quarantine, muling magpapa-swab test: I’m positive that I will test negative!

Read more...