IKINATUWA ng maraming fans ang bagong proyekto ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa.
Makakatambal niya kasi ang aktor na si Carlo Aquino sa upcoming film na may pinamagatang “Elevator.”
Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang ilang pictures at videos ng kanilang pagpupulong kasama ang film director na si Philip King.
Ipinakita rin ni Kylie ang isang video na kung saan ay tila binabasa niya ang kanyang script para sa pelikula.
“New project coming soon,” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Michelle Dee isinugod sa ospital sa kanyang 28th birthday, inoperahan dahil sa ‘hemorrhage’
Wala pang masyadong detalye sa pelikula, pero maraming fans na ang na-eexcite sa tambalan nila ni Carlo.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Yayyy congrats Kylieee [red heart emojis] I’m so excited for this!”
“Wow sunod-sunod ang projects. Congrats!”
“OMG kylie and Carloo [smiling face with heart eyes emojis].”
Bukod sa “Elevator,” nakatakda ring bumida si Kylie sa action-fantasy film na “Penduko” kasama naman ang aktor na si Matteo Guidicelli.
Samantala, ang ilan lamang sa recent projects ni Carlo ay ang pelikulang “Third World Romance” katambal ang kanyang girlfriend na aktres na si Charlie Dizon.
Tumampok rin siya sa miniseries na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” kasama ang aktres na si Coleen Garcia.
Related Chika:
Gabby binigyan ng acting tips si Rayver; Priscilla, Leandro muling magtatambal sa ‘Lolong’