MALAPIT nang simulan ang construction ng dream house ng “Dirty Linen” mainstay na si Christian Bables.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Christian ang short video ng kanyang loteng nabili.
Gandang-ganda siya dahil napapaligiran ito ng man-made pond at lush greens.
“Dreaming big with my Architect Philip, and @apl_architects family#SiteVisit #DesignStage #DreamHouseProject #Soon,” caption niya sa kanyang post.
Baka Bet Mo: Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…
Kaaliw ang mga comments sa post niyang iyon. Bukod sa congratulatory message ng IG followers niya, some were asking kung ang ipinapagawa niyang bahay ay house nila ni Lala, ang character na ginagampanan ni Jennica Garcia sa “Dirty Line.”
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Congratulations and best wishes idol max. Mamimiss kita sa mga role mo sa teleserye.”
“Somewhere in east po ba ito, lods? anw, Congratulations po.”
Congratulations po sna my ksunod n agad with jennica.
“Maxxxxx Bahay niyo ba ni Lala ‘yan @christiaaan06 @jennicagarciaph.”
Samantala, sa isang post naman ni Christian ay sinabi niyang inaatake siya ng sepanx (separation anxiety) now na magtatapos na ang “Dirty Linen” this week.
“Lagi kong gugustuhin ang maka eksena kayo, tol @jennicagarciaph , tatay @joeltorre_, kapatid @janinegutierrez and the Fieros. Sepanx starts now,” caption niya sa short IG video niya kung saan makikita ang eksena niya with Jennica, Joel Torre at Epy Quizon.
Samantala, hindi makapaniwala ang cast sa mainit na pagtanggap ng mga manonood ng “Dirty Linen,” kung saan nakahatak ito ng 2.3 billion views sa TikTok at numero unong spot bilang most watched series sa iWantTFC.
Gabi-gabi rin itong trending sa social media kung saan tinutukan ang mga kapanapanabik na komprontasyon at sagutan ng mga karakter.
“Surreal na naging parte ako ng ganitong klaseng level ng cast. Ito na siguro ‘yung favorite kong role kasi ang dami niyang layers. Sobrang thankful ako na pinagkatiwalaan ako to play Alexa. Sobrang dream come true,” sabi ni Janine noong finale mediacon ng serye.
Nagpasalamat din si Zanjoe sa production team ng serye, pati na rin sa kanyang mga co-actor na nagsimula ng viral “mata-mata acting.”
“Pinapanood ko siya bilang part ng show and bilang audience din na naho-hook sa istorya. Kudos sa musical director na sobrang galing. Tinulungan nila kaming gumaling. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng cast, production, at sa mga direktor ko,” pagbabahagi ni Zanjoe.
Samantala, pupunta sa Amerika sina Janine, Zanjoe, Seth Fedelin, Francine Diaz, John Arcilla, at Tessie Tomas, kasama si Jed Madela, para magpasalamat sa mga manonood na tumangkilik sa “Dirty Linen.”
Abangan sila sa “G! Kapamilya presents Dirty Linen sa America” sa Memorial Auditorium sa Sacramento, California ngayong August 26, at sina Janine, Zanjoe, at Jed sa Arena Theater Houston, Texas ngayong August 27.
Sa pagtatapos ng “Dirty Linen” ngayong linggo, sunod-sunod na pasabog na rebelasyon ang dapat abangan ng mga manonood.
Mabibigyan na ng kasagutan ang mga krimen ng pamilya Fiero at malalaman na rin kung makukuha ni Alexa (Janine) ang matagal na niyang inaasam na hustisya.
Huwag palampasin ang pasabog na finale ng “Dirty Linen” sa Agosto 25 (Biyernes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Related Chika: