SINAGOT ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo ang nag-viral na video sa social media kung saan makikitang may hawak siyang vape sa set ng upcoming movie niyang “A Very Good Girl.”
Naging hot topic ng mga Marites ang nasabing video at nalagay sa alanganin ang imahe ni Kathryn at nakuwestiyon pa ang kanyang pagiging role model sa kabataan.
Pero in fairness, marami naman ang nagtanggol kay Kath at nagsabing wala namang masama kung mag-vape man siya dahil hindi naman ito kasiraan sa kanyang pagkatao at nasa tamang edad na naman daw ang dalaga para gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kanya.
Ilang netizens naman ang nagsabi na kinailangang mag-aral ng pagbe-vape si Kathryn dahil sa ilang eksena niya sa “A Very Good Girl” kung saan makakasama niya ang award-winning actress na si Dolly de Leon.
Sa ginanap na grand mediacon ng latest offering ng Star Cinema, nagsalita na si Kath tungkol sa isyu, “Well, una, sad ako na may video about it kasi parang na ano ‘yung privacy ko. But then, it happens.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinabulaanan ang kumakalat na chika ukol sa ‘paninigarilyo’ ni Kathryn Bernardo: Never po, never!
“Okay lang. Nangyari na e. Hindi naman dine-define ‘yung pagkatao ko. It won’t make me less of a person. So I guess. Depende na lang ‘yun sa mga tao.
“Sana it won’t happen again kasi kailangan din namin sometimes ‘yung privacy and personal space namin,” paglilinaw ni Kathryn.
Aminado naman ang girlfriend ni Daniel Padilla na tulad ng lahat, hindi rin siya perfect. Nagagalit din siya, napipikon at nasasaktan.
“Growing up, hanggang ngayon, aware ako na maraming nakatingin sa ‘yo. You have to be good. You have to do this and that. Kasi especially ‘yung mga bata, ‘di ba gayahin kung ano ‘yung makita sa ‘yo,” paliwanag ng dalaga.
“But then, always every time na may presscon and they ask me this, I always answer na, hindi porket artista ano ha perfect. Hindi porke sinabi na role model, wala kaming imperfections and we can’t commit mistakes and we can’t learn from our mistakes. That’s what I keep on telling them.
“Yes, pwedeng may ina-idolize ka. Parang ako, may iniidolo ako but then, bakit ko siya iniidolo? Because I see myself in her. Maybe because nakikita ko na tao din siya, na nasaktan siya, nagkakamali siya. Napapagod siya. Nagagalit siya and that’s okay,” pagbabahagi ni Kath.
Pagpapatuloy pa niya sa isyu ng pagiging role model, “Siguro wala masyadong pressure sa akin because you know, the fans, I always tell din na huwag n’yo ko i-idol dahil perfect ako. Hindi talaga, promise.”
Samantala, tungkol naman sa medyo “dark” at kontrobersyal na role na ginagampanan niya sa “A Very Good Girl” as Philomena Angeles o Philo, aminado si Kath na super duper different ito sa lahat ng ginawa niyang movie.
“Bago siya sa akin, but in a way, siguro ‘yun ‘yung reason bakit ako may small circle of friends and my family because at the end of the day, pinapa-enjoy nila sa akin yung life in general. Na yes I work hard but you know, I need to enjoy my life, too,” sabi ni Kath.
Showing na ang “A Very Good Girl” sa September 27, directed by Petersen Vargas. Kasama rin sa movie sina Jake Ejercito, Angel Aquino, Chie Filomeno, Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Nour Hooshmand.
Related Chika:
Ogie Diaz sa paggamit ng vape ni Kathryn Bernardo: Bakit ginagawang big deal?