Liza Soberano aminadong insecure sa sarili, na-bully rin dati: People would say I have ‘galis’ like a dog

Liza Soberano aminadong insecure sa sarili, na-bully rin dati: People would say I have ‘galis’ like a dog

PHOTO: Instagram/@lizasoberano

ALAM naman natin na ang aktres na si Liza Soberano ang isa sa mga pinakamagandang artista.

Sa katunayan nga ay ilang beses na siyang napabilang sa listahan ng film critic website na TC Candler para sa kanilang “The 100 Most Beautiful Faces” sa buong mundo.

Pero gayunpaman, aminado si Liza na nakakaramdam pa rin siya ng insecurity sa kanyang katawan.

Inisa-isa ito mismo ng aktres sa naging interview with celebrity doctor na si Vicki Belo na ibinandera sa YouTube noong August 19.

Unang-unang binanggit ni Liza na nai-insecure siya sa kanyang katawan.

“I think my number one insecurity would be my weight,” sagot niya kay Dra. Vicki.

Sey pa niya, “I think that’s no secret all throughout my showbiz career. I would always get criticized for my weight fluctuating back and forth, and you know, like rumors about me being pregnant just because I gained a little bit of weight. It would really affect my mental health.”

Baka Bet Mo: True ba, Liza Soberano at business partner ni James Reid nagkakamabutihan na?

Dahil din daw diyan ay madalas siyang makumpara sa ibang mga babaeng artista, pero nilinaw niya na may dugong Amerikana siya kaya normal lang na mas malaki ang kanyang katawan.

“I always get compared to girls that are smaller than me, and because I’m a halfie (half Filipino, half American), I also am a little bit on the bigger side,” paliwanag niya.

Bukod diyan, isa rin sa kanyang alalahanin ay ang kanyang kutis o balat.

Naikuwento pa nga ni Liza na nakaranas siya ng pambu-bully noong siya’y bata pa dahil dito.

“Not my face but on my body ‘cause I really had bad skin growing up ‘cause I have allergic reactions to the air, change in environment because I grew up in America and I came here and all of a sudden I had all these rashes coming up my legs and stuff,” sambit ng aktres.

Patuloy niya, “And I kind of got bullied in school for that. People would call me ‘hayop,’ instead of saying ‘Hi Hope’ it would be like hayop… ‘Cause people would say that I have galis like a dog because my skin was really bad.”

“Then coming into showbiz, I remember people would always point out my knees and how they were all scarred up and also very dark compared to everyone else who had flawless skin, so that also triggered insecurity in myself,” dagdag niya.

At ang huli niyang nabanggit na insecurity sa katawan ay ang kanyang buhok.

Ibinunyag niya na nagkaroon siya ng tinatawag na “Alopecia areata,” isang kondisyon na nalalagas ang buhok dahil sa stress.

“And then more recently, my hair…As I got older, my hair started thinning a bit due to – I got alopecia actually around 2020 due to stress,” pagbubunyag niya.

Related Chika:

Herlene Budol insecure noon sa sobrang tangkad: Napagkakamalan akong bakla dati pa, pati boses ko…

Read more...