Bong Revilla, Jillian Ward magsasama sa pelikulang ‘Lagot Ka Sa Tatay Ko’; season 2 ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ kasado na
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Bong Revilla at Jillian Ward
KUMPIRMADO nang gagawa muli ng bonggang pelikula ang Titanic Action Star na si Sen. Bong Revilla makalipas ang mahabang panahon.
Ang working title nito ay “Lagot Ka Sa Tatay Ko!” Kung saan makakasama ng actor-public servant ang Kapuso Drama Princess na si Jillian Ward kung saan gaganap nga silang mag-ama.
Sa pakikipagchikahan ng senador sa ilang members ng entertainment media nitong nagdaang Huwebes, August 17, ay excited niyang ibinalita ang tungkol dito.
Inspired daw ito sa blockbuster Pinoy classic movie na “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” na ipinalabas noong 1999 at pinagbidahan nina Action King Fernando Poe Jr. at Teleserye Queen Judy Ann Santos.
Matatandaang nakasama na ni Sen. Bong si Jillian sa mga pelikulang “Si Agimat at si Enteng Kabisote” (2010) at “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” (2012).
“Gusto nating makatulong din ulit sa movie industry. Buhayin natin yung cinema. Tulung-tulong, kaya ini-encourage ko rin ang iba nating mga artista,” panawagan ng award-winning actor.
Nilinaw naman niya na hindi ito intended for Metro Manila Film Festival pero ang target nila sa pagpapalabas nito ay sa 2024 bilang Valentine’s Day offering sa February o bilang Father’s Day presentation sa June.
Samantala, ngayong gabi na, 7:15 p.m. mapapanood ang finale ng Kapuso romcom-action series nina Sen. Bong, Beauty Gonzalez at Max Collins na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa GMA 7.
Kasabay nito, ibinandera na ng aktor na pinaplano na rin ang season 2 nito dahil sa tagumpay ng season 1.
Sa tanong kung mas nag-enjoy ba siya sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kesa sa nauna niyang weekly series sa GMA na “Agimat ng Agila”?
“Magkaiba siya, e. Agimat ng Agila is fantasy. Itong Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, comedy siya. Saka, di ba, kung titingnan mo, yung akting ni Tolome dito, parang cartoon, di ba?!
“Hindi naman siya normal, e, kundi parang overacting yata yun. But you know, yun yung ano niya, para siyang may phobia. Kaya ang huli mo dun, bata, matanda, babae, lolo, lola. So, huli lahat,” tugon ni Bong.
Ang pilot episode at ang finale ang pinakapaborito ng aktor sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”, “Well, of course, ang pinakapaborito kong episode siyempre, always the first, the Episode 1, and the finale.
“Dahil yun ang nakatodo. Kaya kung nagustuhan nila yung Episode 1, itong last episode na mapapanood nila sa Sunday, 7:15 p.m. ay magugustuhan din nila ito.
“Siyempre, ito yung preparation para sa Season 2. Kaya nakakatuwa. Even iyong episode natin last Sunday, although medyo naligaw ang tao, akala 7:50 pero 7:15, mas maaga pumasok, e. So, medyo na-miss ng iba.
“Pero ganu’n pa man, happy pa rin kami. Dahil nakita natin yung mga manonood, nandun pa rin. Nakatutok pa rin,” aniya pa.