NAG-SORRY ang dating aktres na si Iwa Moto sa taong na-expose niya bilang scammer sa nagdaan niyang social media post.
Napag-alaman kasi nito na biktima lang rin ang taong nagngangalang “Lahren” ng identity theft ang inakala niyang nang-scam sa kanya.
Kaya naman nagdesisyon si Iwa na tanggalin na ang kanyang naunang post para na rin sa kaligtasan nito.
Isang video ang ibinahagi niya sa TikTok upang ipaliwanag sa kanyang mga followers ang nangyari.
Caption ni Iwa sa video, “The real lahren and i talked. Shes also a victim. Jusko nakakastress na to.”
Dito na nga niya ikinuwento na biktima lng ng identity theft ang taong inakala niyang nang-scam sa kanya.
Baka Bet Mo: Iwa Moto shookt sa pulubing nanlilimos sa kanya, tumatanggap raw ng GCash
@iam_iwaThe real lahren and i talked. Shes also a victim. Jsuko nakakastress na to♬ original sound – Iwa Moto
“May nangyayaring identity theft. Ang gulo-gulo na. Nai-stress na ako… Nakausap ko na si Lahren na ginamit ‘yung pangalan niya and I have all the proofs I needed [para patunayan] na nagamit lang ang pangalan niya,” lahad ni Iwa.
Kinakailangan rin daw niyang tanggalin ang video na unang in-upload para sa seguridad ng lahat.
“I had to put down my previous post kasi for the safety also of the person involved kasi… She proved to me na nanakawan talaga siya ng identity and I’m sorry Lahren for putting up that video. I just really wanted to solve this mystery,” sey pa ni Iwa.
Kahit na-i-stress ang dating aktres sa pangyayari ay patuloy ito sa imbestigasyon para magkaroon ng hustisya ang pagkaka-scam sa kanila.
“Ang bilang ko so far [sa mga nabiktima], nasa sampu na kami. ‘Yun ‘yung nakakausap ko pa lang… Lahat sila natatakot, lahat sila na-i-stress,” lahad ni Iwa.
Hindi na rin daw siya magbibigay update sa social media para na rin sa kaligtasan ng kanilang pamilya.
Matatandaang ibinahagi ni Iwa sa social media ang nangyaring pang-i-scam sa kanya matapos siyang bumili ng gadget sa isang Instagram page na ireregalo sana niya sa kanyang ina.
Matapos ma-scam ng mahigit P23k ay ginamit pa ng scammer ang kanyang pangalan para mang-scam ng ibang tao.
Related Chika:
Iwa Moto hinarap na ang kinatatakutan; nakararanas pa rin ng panic attacks
Iwa Moto tinawag na ‘pakialamerang palaka’ ng netizen, bet na mag-debate sina Leni at Ping