Karen Bordador umalma matapos palitan si Kristel Fulgar bilang host sa ‘Seo In Guk’ fan meet, netizens lalong nag-init

Karen Bordador umalma matapos palitan si Kristel Fulgar bilang host sa 'Seo In Guk' fan meet, netizens lalong nag-init

PHOTO: Instagram/@karen_bordador

DUMEPENSA ang former “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity housemate na si Karen Bordador mula sa mga natatanggap niyang hate comments recently.

Ito ay matapos niyang mapalitan bilang host ang aktres at content creator na si Kristel Fulgar sa naganap na fan meet ng South Korean actor na si Seo In Guk noong August 12.

Hindi naman ito kasalanan ni Karen dahil ayon mismo kay Kristel, tila hindi nagustuhan ng Korean technical director ang kanyang naging energy sa rehearsal kaya hindi siya natuloy sa pagho-hosting sa nasabing event.

Ayon pa nga kay Kristel, umasa siya na bibigyan siya ng pagkakataon na ipamalas ang kanyang todo-energy sa event ngunit may na-contact na raw na ipapalit sa kanya.

Baka Bet Mo: Hiling ni Karen Bordador: Marami pang mapalaya sa mga kulungan na walang kasalanan

Anyway, nag-post nga si Karen sa X (dating Twitter) matapos ang nangyari sa fan meet event at sinabi niya na hindi niya deserve ang mga nakukuhang pamba-bash.

Sey niya sa tweet, “After receiving mean and baseless IRRATIONAL hate I didn’t deserve…now what?”

“So easy to point fingers but naturally no accountability taken,” dagdag pa niya.

Aniya pa, “Damage is done! Karma comes in many forms. Hope you learned something. God bless!”

Halo-halo naman ang naging reaksyon ng maraming netizens sa kanyang post at ilan sa kanila ay tila lalo pang nainis.

Narito ang mga nabasa naming komento:

“I don’t like the tone… kung wala kang ginawang masama… you could have just simply say na wala kang alam… everything happened so fast and ginawa mo lang yung work.”

“Hindi mo rin kasi gets maging fans!!! Ready kana kasi agad? may kapalit agad’ *pafamous lang*”

“Kasalanan yan ng producer. No announcement and whatever, they simply redirected the backlash of the fans to you. They did not have the effort to release and explain what happened.”

“Ate karen don’t mind people full of toxicity just focus who’s people love you and accept you for really you are ate karen we love you [flying kiss emoji].”

Related Chika:

Kristel Fulgar ibinandera ang bagong gawang bahay: Nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko

Read more...