Jay Sonza arestado sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment, nakakulong ngayon sa Quezon City Jail

Jay Sonza arestado sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment, nakakulong ngayon sa BJMP

Jay Sonza

ARESTADO ang dating broadcaster na si Jay Sonza matapos umanong masamgkot sa kasong syndicated and large-scale illegal recruitment.

Ayon sa ulat, ang mga operatiba ng Bureau of Immigration ang nakahuli sa dating news anchor noong nagdaang July 18 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ngayong araw nabalitang dinala na siya ng BI sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at doon pansamantalang ikinulong.

Ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte, papunta sana ng Hong Kong si Jay Sonza at naghihintay ng kanyang flight sa NAIA Terminal 3 nang kausapin siya ng mga Immigration official.

Matapos ito, hinarang na siya at hindi na pinalabas ng bansa dahil sa pending estafa case na isinampa laban sa kanya.

Jay Sonza (Photo from Twitter)

Bukod dito, nabatid din na meron pa siyang isang active warrant of arrest para naman sa syndicated and large-scale illegal recruitment case.

Baka Bet Mo: Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

Pagkatapos mai-turn over sa NBI, dinala naman siya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa panayam ng GMA News kay Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera, ang spokesperson ng BJMP, dinala sa kanilang tanggapan si Sonza noong August 3, 2023 sa pamamagitan ng isamg commitment order mula sa Quezon City Regional Trial Court Branch 100.

“He was transferred by NBI (National Bureau of Investigation) Manila, and is currently in Quezon City Jail Ligtas Covid Center Quarantine Facility, in Payatas,” aniya.

Nakausap na rin daw ni Jay Sonza ang kanyang abogado para sa mga legal options na maaari niyang gawin dahil wala ngang piyansa ang mga kasong syndicated o largescale illegal recruitment.

Jay Sonza kumampi kay Darryl Yap: ‘Bakit kailangang banatan ang ‘Martyr or Murderer’ para maibandera ang mga bulok na pelikulang gawa ng iba?’

NBI nilinis ang pangalan ni Luis Manzano, hindi isinama sa mga kinasuhan ng syndicated estafa

Read more...