GRATEFUL pa rin ang singer-actress na si Kristel Fulgar dahil nagkaroon ito nang chance na makita nang personal ang hinahangaang Korean actor na si Seo In Guk.
Sa kanyang Instagram account nitong Lunes, August 14, ay ibinahagi nito ang larawan nilang magkasama ng Korean star.
“Nevertheless, I have accomplished it!!!” saad ni Kristel sa caption.
Bago ang naturang fan meet ay marami ang nalungkot matapos ianunsyo ng dalaga na hindi na siya ang magiging host ng fan meeting ni In Guk dahil sa mga “unforseen circumstances”.
“Due to unforeseen circumstances, I will no longer be hosting Seo In Guk’s fan meet in Manila tonight,” pagbabahagi ni Kristel noong Sabado, August 12.
Pagpapatuloy niya, “While I am saddened by this turn of events, I understand that decisions are made beyond our control. I want to assure you all that my support for Seo In Guk remains steadfast. He is an amazing artist, and I will continue to cheer him on in his endeavors.”
Baka Bet Mo: Kristel Fulgar ‘nagbago’ matapos manirahan sa South Korea: ‘It helped me to be the better version of myself’
In-encourage rin niya ang mga flowers na patuloy na suportahan ang Korean actor.
“Thank you for your understanding, love, and support. Let’s continue to celebrate Seo In Guk together!” sey pa ni Kristel.
Ang pumalit bilang host ay ang dating “Pinoy Big Brother housemate na si Karen Bordabor.
Kaya naman sa kabila ng mga nangyari ay natupad pa rin ang pangarap ni Kristel na personal na ma-meet ang hinahangaang Korean actor kaya naman super happy para sa kanya ang mga netizens at mga kaibigan.
“My heaaaart happy for uuuu!” saad ni Sue Ramirez.
Comment naman ni Benedict Cua sa post ni Kristel, “Let’s get it!!! Ikaw talaga dapat nag host!!!!”
Nakilala si Seo In Guk noong l2009 matapos manalo sa talent show na “Super K.” lumabas rin ito sa mga K-drama tulad ng “Reply 1997,” “Shopping King Louie,” “High School King of Savvy,” “Cafe Mimandang,” at iba pa.
Related Chika:
Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect
Kristel Fulgar ibinandera ang unang TV guesting sa Korea: I just accepted this project just for fun