IBINIGAY ng pamilya ng namayapang si JM Canlas ang ginamit niyang kabaong sa binatilyong binaril at napatay ng pulis sa Navotas matapos itong mapagkamalang murder suspect.
Ang binatilyong napagkamalan ay si Jerhode “Jemboy” Baltazar na pumanaw noong Miyerkules, August 2, matapos itong pagbabarilin ng pulisya habang nagsasagawa ng operasyon sa Brgy. NBBS, Kaunlaran, Navotas City.
Sa Facebook post ni Jerom Canlas, nakatatandang kapatid ni JM, ibinahagi nito ang bukal sa loob nilang ibinibigay kay Jemboy ang ginamit na kabaong ng kapatid.
Halos hindi rin kasi nagamit ito dahil agad pina-cremate ng pamilya ang labi ng dating child actor.
“Ang galing mo talaga JM! Jm donated his casket to Jerhode Jemboy Baltazar, also 17 yrs old—an EJK (extrajudicial killings) victim,” sey ni Jerom.
“Salamat po sa pagtulay mga kaibigan sa RESBAK, Paghilom, at AJkalinga Foundation Inc. Sigurado akong sumisigaw ng hustisya ang bunso namin sa langit,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: JM Canlas pumanaw sa edad na 17
Naganap ang pamamaril ng mga pulis kina Jemboy habang abala ang binata sa pag-aayos ng kanilang bangka para pumalaot kasama ang kaibigan. Kasabay nito ang operasyon ng mga pulis na hanapin ang suspek sa nangyaring murder na ini-report sa kanila. Base sa natanggap nilang impormasyon, nasa mga bangka raw ng naturang barangay ang suspek na napagkamalan ngang si Jemboy.
Ayon pa sa post ng Kuya ni JM, “The police officers failed to positively identify the target and immediately opened fire on the two youngsters on the boat.
“When the shooting stopped, the police officers did not even bother to verify or retrieve the boy who fell into the water and kept onlookers at bay,” saad pa nito.
Halos magkasunod lang na namayapa sina JM at Jemboy. August 2 nang mangyari ang pamamaril sa binatilyo habang August 3 naman nang ianunsyo ang pagkawala ng nakababatang kapatid nila Elijah at Jerom.
JM sa fans: I apologize kung medyo shaky ako, nagkakamali ako minsan at wala akong excuses doon…