Jamsap Entertainment may nilulutong proyekto para sa mga estudyante

Jamsap Entertainment may nilulutong proyekto para sa mga estudyante

NABAHALA sa kanyang mga alaga noong panaho ng pandemya ang dating talent supplier ng ABS-CBN at iba pang network na si Jojo Flores, Chief Executive Officer ng Jamsap Entertainment at ang katuwang nitong si Maricar Moina bilang Chief Operating Officer (COO).

Kaya’t naisip niyang bumuo ng ibang online platform kung saan puwedeng mapanood ang mga talents niya na parami nang parami dahil naging word of mouth ang pangalan niya. Trinain nila ang kanilang talents at isinabak sa workshop bago pakawalan kaya naman karamihan sa kanila ay napapanood sa iba’t ibang teleserye.

Sa ilang taon na nila sa industriya ay dalawa hanggang tatlong beses nagkakaroon ng launching ang Jamsap para sa mga talents nilang nagtapos at kung anong bago nilang project. Kasabay na rin ang pagpapakilala sa kanila sa media.

Tulad nitong nakaraang Martes, Agosto 8 ay muling iprinisinta sa media ang mga bagong talent ng Jamsap kasabay na rin ng launching ng JAMSAP TV Mobile App at contract signing ng partnership nila ng ES Transport, Inc, ang mga buses na dumadaan araw-araw sa Carousel sa kahabaan ng EDSA.

Ang dahilan ni Jojo kaya siya nagtayo ng TV mobile app, “Base po kasi sa nakita ko naparami po ng demands sa mga artists pero po kokonti po ang network tapos ganu’n pa ‘yung nangyari sa ABS (CBN). Kaya naisip ko po na I have to develop other platform at makasabay po sa bagong technology kaya naisip kong gamitin ang ‘data’ instead of frequency kasi mas malawak po ngayon ang range ng data kaysa sa frequency.

“Through data po kasi we can reach worldwide. At ‘yung frequency po kasi ang dami pa nilang need (requirments) for that, so, I took that advantage para makabuo ng sarili kong platform. Yung demand po sa pagiging artist makakatulong po ako sa iba na matupad din ‘yung dream nila tulad ng naging dream ko rin.”

Sa nasabing media launch ng Jamsap TV ay may mga ipinakitang teaser na pangalan ng mga kilalang eskuwelahan sa bansa at ano ang kinalaman ng mga ito sa application na ini-launch.

“Yung sa sports po namin (Jamsports), ako po ang unang maglalagay ng national tournament ng The National Championship Basketball and Volleyball, interschool po ‘yun. Sa lahat ng high school para mabigyan ko sila ng platform kung saan nila ilalabas ang husay nila sa sports para puwede silang ma-scout for NCAA or UAAP pagdating nila ng college.

Baka Bet Mo: Toni, Raffy nagsabwatan para sa nakakalokang prank; sino ang nabiktima?

“Sa new technology po natin ngayon ay nakikita naman kung ano ‘yung nagte-trend at malaking imnpact po sa mga kabataan ngayon na walang ibang pinapanood kundi sa social media, so, gagamitin kop o ‘yung platform para ma-influence sila kasi alam ko na may chance at may segment po do’n na ako ang nag-isip na ‘Baon Kong Tuition.’

“Available po para sa mga students para masaya sila at matulungan ko sila para makalaban o bawi parang pera o bayong. Ang pipiliin kop o ay ma scholars na tutulungan namin para makapagtapos sila ng pag-aaral. Ang premyo ng ng bawa’t student ay naka-depende po sa tuition kung magkano ang prize.”

Natanong din ang kinatawan ng ES Transport Group of Companies na nakipag-partner ang JamsAp para maipalabas ang mga talents nina Jojo. Dapat ba laging naka-online ang buses.

“Yes, we are the leading bus in Edsa Carousel. We partnership with Jamsap Entertainment na magpo-provide sila ng mga TV (sets) sa mga units namin it’s like a moving ads na makikita ng mga tao.

“Yung platform na gustong innovation ng Jamsap makikita do’n sa mga buses. Kasi ‘yung mga generation of today is into social media at madali nila makita ‘yung outcome ng project namin,”paliwanag ng kinatawan ng ES Transport group of companies.

Samantala, ang mga programa ng Jamsap TV na mapapanood sa ES Transport busses ay ang mga sumusunod:

Morning Talk Show – Dear Teenagers; Talk Show – Adulting 101; Noontime Variety Show – Noontime Jammers; Sports – Jams Sports; Travel Show – Lakbay Jams;

Sunday Musical – Variety Show – Jamsap Sunday; Featured Stories – Tagumpay Ka

Tagline – Success is the Sweet Taste of Victory; Sitcom – CoolLang CoolLang

Kiddie Show – Coolit Jammers; Food Show – Foodtrip: 8 Mo, 8 Ko at ang

Liwanag – Jamsap Station ID.

Nagbiro rin ang taga-ES Transport group of companies na makikipagsabayan ang programa nilang Noontime Jammers sa Eat Bulaga, E.A.T at It’s Showtime.

 

Related Chika:
Maja Salvador, RK Bagatsing muling magtatambal sa ‘Oh My Korona’; Lala Sotto-Antonio maraming plano para sa MTRCB

Balitang nabuntis ni Aljur Abrenica si AJ Raval fake news daw, talent manager umalma: Nasa shooting siya at nag-aaksyon

Read more...