Mark Bautista nabawi na ang na-hack na IG account: ‘I think I’m back?…I can now sleep’

Mark Bautista nabawi na ang na-hack na IG account: ‘I think I'm back?...I can now sleep’

PHOTO: Instagram/@iammarkbautista

MUKHANG makakahinga na ng maluwag ang OPM singer na si Mark Bautista dahil nabawi na niya ang na-hack na Instagram account.

Ang good news ay ibinandera niya mismo sa social media.

“This is crazy!! I think I’m back?,” sey niya sa isang post.

Agad din siyang nagpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya na i-report ang naturang account, pati na rin sa mga kaibigan niya na dinamayan siya.

“First of all thanks to everyone who reported this account and to all my friends who messaged me showing their concerns,” wika niya.

Baka Bet Mo: Liza Soberano nagparamdam na matapos mabura ang pictures sa IG: Life update soon…

Sambit pa niya, “I already deleted all the sexy photos (my gulay), but I think she/he/they also deleted all my posts.”

Dahil daw sa nangyari ay tila natakot na raw si Mark na mag-post sa kanyang Instagram.

“I feel like I’m scared to post anything now,” saad ng singer.

Dagdag pa niya, “Anyway I’m still trying to figure this out for now, I’ll just start by saying- Take extra care and stay safe everyone!”

“I can now sleep. Sana hindi naman ako gisingin ulit ng kapatid ko ng 4 am dahil na-hack IG ko,” aniya pa.

Napa-comment naman ang ilang kapwa-celebrities at narito ang ilan sa mga nabasa namin mula sa post:

“Puwede namang mag-rebuild! Fresh na ulit yung IG mo!!!,” lahad ni Lea Salonga.

Biro naman ni Andrew Wolff, “I was enjoying your new photos more bro [laughing face emojis].”

Magugunita noong August 7, ibinalita ng singer sa X (dating Twitter) na na-hack ang kanyang Instagram account na kung saan ay makikita ang mga larawan ng foreign sexy girls na nakasuot ng bikini.

Dahil diyan ay agad itong inaksyunan ni Mark at nakisuyo sa publiko na tulungan siyang i-report ang nangyari.

Related Chika:

Read more...