MASAYANG ibinalita ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra na ikinasal na siya.
Sa pamamagitan ng Facebook post ay ikinuwento niya na super blessed at super happy siya dahil natagpuan na niya ang kanyang kabiyak.
“I thank God dahil hindi hatred ang namalagi sa puso ko. I am blessed by God din to continue to love again. And ipinaramdam din sa akin ni Papa God na hindi totoong wala ng magmamahal sa akin,” panimula ni Gladys kalakip ang kanyang larawan na naka-wedding dress.
Labis niyang pinasasalamatan ang Panginoon dahil binigyan siya nito ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga pinagdaanan niya.
“May katapusan pala lahat ng pain at heartaches. Pinabangon ako muli ni Lord at binigyan ng isang katulad ni AD. Na minahal ako at minamahal ng buong buo at wala ng kahit anong question,” pagpapatuloy pa ni Gladys.
Hindi naman ini-reveal ng komedyana kung ano ang pangalan ng kanyang asawa ngunit nagbigay ito ng initial na “AD”.
Baka Bet Mo: Pambansang Kolokoy nilinaw na hindi naging ‘babae’ si Gladys Gueverra: Everything was just a collaboration
Ani Gladys, “Hindi ako uminda sa lahat ng sakit at pagsubok, knowing mas maraming sakit, hirap at pagpapahirap ang ginawa kay Jesus. Iniyakan ko? Oo, pero hindi ako pinabayaan ni Lord.
“At mas ipinaramdam pa sa akin ng Panginoon na mas deserve ko pang lumigaya ng mas maligaya pa sa inakala kong ligaya.”
Sey ni Gladys, tama raw ang Panginoon na may inilaan Siya para sa kanya at hindi siya dapat nagmamadali.
“Ngayon alam ko na ng malinaw bakit nangyari ang lahat ng nangyari. May mas magandang plano si Lord. Kaya thank you Papa God sa lahat lahat ng ito. Ibinabalik ko po ang lahat ng ito sa iyo. Sa iyo po ang lahat ng aking papuri Father God.
At pasasalamat sa lahat ng taong hindi ako iniwan sa ere at patuloy na nagmahal, nagmamahal at sumusuporta sa akin hanggang ngayon. Smile nalang ako ng smile ngayon. Let us all just spread LOVE!” mahabang lahad ni Gladys.
Ang sinasabi niya na nangyari ay ang kontrobersiya kung saan napagbintangan siyang kabit ni Pambansang Kolokoy na naging dahilang raw ng kanilang paghihiwalay ni Marites.
Sa isang Facebook live rin ay ipinasilip niya ang kanyang napangasawa ngunit hindi niya ipinakita ang mukha nito.
“For now, ang isinasapuso ko at ang nasa isip ko is ang asawa ko is not anymore for public consumption. This is my private life, sana po ibigay n’yo na po ito sa akin. Hindi po ito collab, ito po ay katotohanan,” pagbabahagi ni Gladys.
Related Chika:
Gladys Guevarra ibinandera ang bagong bahay sa US: Ang hirap, pero thank you Lord!
Bwelta ni Gladys sa mga tumawag sa kanyang kabit ni Pambansang Kolokoy: ‘Mukha ba akong nanganak?’