Anji Salvacion napaiyak sa pagpirma ng network contract sa ABS-CBN: ‘I know that God has a purpose in my life’

Anji Salvacion napaiyak sa pagpirma ng network contract sa ABS-CBN: 'I know that God has a purpose in my life'

Anji Salvacion

NAPAIYAK ang singer-actress at “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” big winner Anji Salvacion nang mabigyan ng network contract sa ABS-CBN.

Inamin ni Anji na hindi raw talaga niya na-imagine na papipirmahin siya ng exclusive contract sa Kapamilya Network dahil maituturing pa lang siyang baguhan sa industriya ng telebisyon at pelikula.

Hindi napigilan ng dalaga ang maging emotional sa contract signing niya sa ABS-CBN kasama ang mga big boss ng kanyang mother network.


“Actually it’s tears of gratefulness. Kasi looking back where I started, it was very humble.

“I am so glad to everyone here, to all the people that I’ve worked with, to the bosses who gave me an opportunity to showcase me,” pahayag niya sa ulat ng ABS-CBN.

Unang pinasalamatan ni Anji ang kanyang pamilya dahil sa ibinigay sa kanyang suporta na matupad ang kanyang mga pangarap. Talaga raw hindi siya iniwan at sinukuan ng mga ito noong mag-audition siya para sa iba’t ibang show ng ABS-CBN.

“I am so blessed and I am so lucky to have my family who really supported me. Talagang tinawid talaga nila ako papuntang Surigao. I owe everything to them,” sey ng dalaga.

Baka Bet Mo: Anji Salvacion ‘nag-sorry’ sa madlang pipol matapos tanghaling Top 2 sa ‘PBB’ season 10

Inilarawan din niya ang kanyang naging journey sa showbiz sa nakalipas na ilang taon, “I would describe it as something memorable and it’s full of sunshine. Although not all the time the sun is always shining, but at the end of the day, I am so grateful that I have a really great work.”

Pagbabahagi pa ni Anji, “I know that God has a purpose in my life. Hindi ako basta-basta ilalagay dito kung wala akong io-offer.


“I am just so grateful kasi there’s a lot of people who guided me, my managers, the bosses who trust me. It’s just so amazing na they see this potential in me. They made me realize that I can go further,” dagdag niya.

Kung may isang life lesson siyang natutunan sa showbiz industry, yan ay ang pagiging mabait sa lahat ng nakakasama niya sa trabaho.

“Everybody has been telling me this and I’ve been hearing it from everyone. Masasabi ko din ito sa mga gusto din mag-showbiz to always be kind. ‘Yun talaga ang parating sinasabi.

“Na kahit anong talent ang meron ka, kapag wala kang hard work, wala kang puso, wala kang kindness, hindi mo mararating kung saan mo gustong pumunta,” sabi pa ni Anji na very soon as mapapanood na rin sa upcoming ABS-CBN series na “Linlang”. Makakasama niya rito sina Kim Chiu, Paulo Avelino at Maricel Soriano.

Samantala, nag-post din ng mensahe ng pasasalamat ang dalaga sa kanyang IG account pagkatapos ng contract signing, “From my humble beginnings to where I am now, I’m proud to have been part of the ABS-CBN family. Being given the opportunity to showcase my talents is truly humbling.

“I’m thankful and grateful for the trust that has been given to me. To the bosses of @abscbn, a huge thank you for forgiving this opportunity, and I promise to make the most of it and make sure that your trust in me will not be wasted. I would also like to thank my @starmagicphils and @starpopph family for believing in my talent,” aniya pa.

Wish ni PBB 10 Top 2 Anji Salvacion: Sana makasama ko ang family kong kumanta sa concert ko para mas maging special…

Anji Salvacion sinuwerte mula nang tanghaling ‘PBB’ big winner; pero hindi na nakakauwi ng Siargao

Read more...