Melai sa bashers: ‘Hindi ako papayag na kung anu-ano sasabihin n’yo sa mga anak ko…kilala ko sila, madasalin ang mga yan’

Melai sa bashers: 'Hindi ako papayag na kung anu-ano sasabihin n'yo sa mga anak ko...kilala ko sila, madasalin ang mga yan'

Jason Francisco, Melai Cantiveros, Mela at Stella Francisco

MAGKAKAIBA ang naging reaksyon ng mga magulang at netzens sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng TV host-comedian na si Melai Cantiveros.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin sa social media ang pagtawag ng “unggoy” kay Melai ng kanyang mga anak sa isang viral video na mismong ang komedyana ang nag-post kamakailan sa Instagram.

Maririnig sa video ang anak niyang si Mela na nag-dialogue ng “Guys, nagre-refer si Mama ng mga products, beauty products, pero mukha pa rin siyang unggoy.”


Nagkasagutan ang kanyang mga followers sa Instagram at sa Facebook matapos niyang ipagtanggol ang dalawang anak mula sa mga netizens na nagalit at bumatikos sa mga bagets.

May mga nagsabing hindi raw tama ang pagpapalaki ni Melai sa mga anak dahil sa pambu-bully ng mga ito sa kanilang nanay. Kahit daw sabihing joke-joke lang ito ay hindi pa rin makatarungan para sa isang ina.

Depensa ni Melai, “Mga Kamsamii di na sana ako magreact pero pag anak na ang pag usapan di pwede guyssssssss, kasi bata lang ang anak ko guys.

“Di ako papayag na kng anu anu sasabihin nyu sa anak ko dahil ako ang dumidisplina sa mga anak ko ,kilala ko mga anak ko madasalin mga yan pati mundo pinagdarasal nga ng mga yan,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Melai ilalaban ang paggaling ng tatay: Hindi ako nawawalan ng pag-asa, magdarasal ako para sa papa ko

Sa ipinost na video ng komedyan, tinanong pa ni Melai ang anak ng, “Ate Mela do you mean it, to say your mama is a monkey?”

“Hindi, Mama. I love you naman. Prank lang… joke-joke lang ‘yun,” ang tugon naman ni Mela.

Paglilinaw pa ni Melai, “Because alam ninyo minsan i-enjoy dapat ninyo ang life. Huwag ‘yung kahit konting kibot nag-re-react kayo, kasi life is enjoying.

“Sa mga seryoso macyado sa role nila sa buhay magstretching dn kayu guys importante ang happiness and enjoyment sa pagsasama nyu sa buhay, Wag nyu kalimutan mag enjoy sa guys,” paglilinaw pa ng TV host.

Narito naman ang mga comments ng BANDERA readers sa isyung kinasasangkutan ni Melai.

“Kahit joke, hindi magandang pakinggan mula sa isang anak. Ms. Melai medyo lagyan mo ng boundary ang pagiging magkaibigan ninyong mag ina. Kahit sa biro dapat alam nyang ina ka pa rin.”


“Care free yung mga bata and bubbly nandoon na tayo na dapat magset ng  boundaries. Kaso reality speaking lang po ha!  I love how melai manages to set an open conversation and a happy comfortable vibe between sakanya bilang momi at mga anak niya.  Naghihimutok  po tayo sa pagiging disrespectful ng mga bata which is madaling i’correct, Pero mas malaki pa mga issues natin sa kanya kanya nating mga anak. Most of us can’t even spend time  with our kids, laugh and have fun like  how this family do. Bonding and having spontaneous conversations. Living a wonderful life without Walls and hidden baggages.

“True. Dapat may boundaries ang pag bibiro .Hindi maganda tigna kahit biro. Maling Mali ang ginawa ng anak mo.”

“Jusko mga ibang netizens. Don’t you think di pa niya napagsabihan ang anak niya? Obviously she’s telling you it’s a joke kasi bilang ina, nagkamali man ang anak niya nasasaktan yan sa pambabash. We have to read between the lines. Humihingi na mismo yung ina ng cease fire. Leave it to them to settle the matter behind closed doors. Hindi naman siguro kailangan na ipakita pa niya ang lahat-lahat. She can only show what she chooses us to see.”

“Kids dont lie. They say what they see.”

“Pero dapat miss Melai, sabihin mo sa anak mo na wag nyang sasabihin yong ganun sa ibang tao, kasi offensive yong mga ganung pananalita. Sa inyong mag-ina lng pwede  yong mga ganung jokes.”

“Ok lang naman makipag biruan sa anak..pero dapat alam nla limitasyon..baka pag laki nyan iba na kamulatan at iba ntin turing sa ina..dapat disiplinado Pdin ang anak para d mag sisi sa kahihinatnan nyan.”

“HWAG NG MANGATWIRAN MALI AY MALI PA RIN MASASANAY KAHIT SA MARAMING TAO GANYAN PA RIN YAN PAG DI MAHINTO.”

Bashers halos isumpa sina Derek at Ellen: ‘Hindi rin kayo magtatagal for sure!’

Melai lucky charm nina Toni at Alex: Sobrang swerte ko na naging friends ko sila!

Read more...