Kathryn Bernardo inulan ng papuri sa pasilip ng ‘A Very Good Girl’, lalong lumabas ang husay sa pag-arte

Kathryn Bernardo inulan ng papuri sa inilabas na pasilip ng 'A Very Good Girl', lalo nga bang lumabas ang husay sa pag-arte?

PHOTO: Screengrab from YouTube/ABS-CBN Star Cinema

TRENDING ngayon sa social media ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Simula kasi kagabi hanggang sa mga oras na sinusulat namin ang balitang ito ay pinag-uusapan ang tungkol sa trailer ng upcoming movie niya na “A Very Good Girl” kasama ang batikang aktres na si Dolly de Leon, who gained international success dahil sa pelikulang “Triangle of Sadness.”

Tweet nga ng aktres, “In order to be irreplaceable, one must always be different.”

Tama nga naman ito dahil dapat may bagong mapanood para hindi mawala o makalimutan ng lahat.

Trending din ang trailer ng pelikula na may nakalagay na “#AVeryGoodGirlTeaser.”

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Dolly de Leon sumabak na sa taping ng ‘A Very Good Girl’, fans kinilig: ‘We’re so ready for this!

Marami kaming nabasa na sinasabing mahusay si Kathryn sa nasabing pelikula na idinirek ni Petersen Vargas under ABS-CBN Star Cinema na mapapanood sa mga sinehan sa Setyembre 27.

Ayon kay @godtierkn, “THE kathryn bernardo invented the mata-mata acting. #AVeryGoodGirlTeaser”

Sabi naman ni @penkandorens, “Ang lala ni kathryn bernardo?! is she even aware that despite how she always ends up only getting nominated for best actress for some prestigious award giving bodies and not taking that awards home… she is the only actress NOW who can do mata mata acting.”

Sey pa ng isa oang netizen, “From one iconic kathryn bernardo character to another!! We’re beyond excited for u @bernardokath #AVeryGoodGirlTeaser #AVeryGoodGirl”

Para kay @jochendria, “Kathryn Bernardo’s acting range is unmatched.”

Nakipagsabayan daw siya sa husay ni Dolly plus naging tsikahan din sa group chats ang tweet ni Chie Filomeno na, “MGA PUTANGINA NIYOOOO THAT’S THE TWEET!!! #AVeryGoodGirlTeaser.”

Naaliw kami sa ibang komento na sinasabing papansin ang dating miyembro ng dance group na GirlTrends sa It’s Showtime na nag-shift na into acting career.

May nagsabi ring baka nakainom o sadyang masaya lang talaga dahil kasama pala siya sa pelikula.

Pinanood namin ang pinag-uusapang trailer ng “A Very Good Girl” at oo nga, ibang Kathryn Bernardo ang mapapanood sa pelikulang ito na malayo na sa mga ginawa niyang pelikula na rom-com with heavy scenes.

Mapapanood din sa pasilip ng pelikula na kumawala na si Kathryn sa loveteam at lalong lumabas ang husay niya sa pag-arte plus nakadagdag pa na kasama niya ang kilalang si Dolly de Leon.

Mukhang inaabangan na rin ito ng KathNiel o Kathryn supporters sa mga sinehan at sana manumbalik na ang mga dating pila sa local films.

Anyway, bukod kina Dolly at Kathryn ay kasama rin sina Jake Ejercito, Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, Nour Hooshmand, Chie at Angel Aquino.

Related Chika:

Richard Gutierrez muling patutunayan ang pagiging action hero sa ‘Iron Heart’: Malayo ito sa naging role ko sa ‘Probinsyano’

Iza Calzado na-intimidate noon kay Cherry Pie Picache: Ang husay niya!

Read more...