Vice Ganda sa kalagitnaan ng pinagdaraanang isyu: Amidst all the noise I see so much love

Vice Ganda sa kalagitnaan ng pinagdaraanang isyu: Amidst all the noise I see so much love

HINDI matitinag ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kabila ng kanilang pinagdaraanan ng partner na si Ion Perez.

Sa kanyang X (dating Twitter) page, ipinahayag niya ang labis na pagmamahal na natatanggap kahit na nasasangkot ngayon sa kontrobersiya.

“Amidst all the noise i see so much love. I feel so much love,” saad ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, “Hope you see and feel it too cause it’s amazingly beautiful.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda muling ibinandera ang pagmamahalan nila ni Ion Perez sa buong universe: ‘Ours is not just a simple love story…it’s revolutionary’

Matatandaang kamakailan ay ipinatawag ng Movie and Television Review Classification Board o MTRCB ang mga opisyal ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” dahil sa mga reklamong natanggap ng ahensya ukol sa diumano’y “malaswang” pagkain nina Vice at Ion ng icing kahit na nasa harap sila ng mga bata.

Nag-umpisa ito matapos dalhin ni Rendon Labador sa social media ang kanyang reklamo dahil sa naging eksena ng mag-partner.

“Wala namang masama na magbaklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata,” saad ni Rendon sa kanyang komento sa video na posted sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Dagdag pa niya, “I support & respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng mga tao ay hindi pwedeng itolerate!!! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega!”

Sa ngayon ay kasalukuyang nakabakasyon sina Vice Ganda at Ion Perez sa kabila ng pinagkaraanang kontrobersiya sa MTRCB.

Related Chika:
Vice ibinandera ang 5 ‘unkabogable moment’ sa pagrampa sa GMA Gala 2023: ‘Yung excitement naging tensyon, yung tensyon naging stress but in a good way’

Rendon Labador binanatang muli si Vice Ganda: Kung may natitira pa sa’yong utak, umayos ka

‘Kahayupan’ video ni Rendon Labador tsinugi sa FB, galit na galit pa rin kina Vice Ganda at Ion Perez

Read more...