PUMANAW na ang American actor na si Angus Cloud sa edad na 25 nitong Lunes, July 31.
Nakilala ang binata sa kanyang pagganap sa kanyang karakter bilang si Fezco “Fez” O’Neil, isang drug dealer, sa teen drama series na “Euphoria”.
Ayon sa kaniyang publicist, pumanaw si Angus sa kanilang bahay sa Oakland, California.
“It is with the heaviest heart that we had to say goodbye to an incredible human today.
“As an artist, a friend, a brother and a son, Angus was special to all of us in so many ways,” saad sa official statement na inilabas ng kaniyang pamilya.
Wala namang inilabas na detalye ang pamilya kung ano nga ba ang rason ng pagkamatay ng binata.
Isang linggo bago ang pagpanaw ni Angus ay ang libing ng kanyang ama na siyang itinuturing niyang bestfriend.
Marahil ay labis na dinamdam ng binata ang pagkawala ng kanyang ama lalo na’t bukas ito sa publiko sa kanyang pakikipaglaban kaugnay ng estado ng kanyang mental health.
Baka Bet Mo: ‘TV Patrol’ entertainment reporter Mario Dumaual pumanaw na, showbiz industry nagluluksa
“Last week he buried his father and intensely struggled with this loss. The only comfort we have is knowing Angus is now reunited with his dad, who was his best friend.
“Angus was open about his battle with mental health and we hope that his passing can be a reminder to others that they are not alone and should not fight this on their own in silence,” lahad pa ng kanyang pamilya.
Hiling pa nila, nawa’y maalala ng mundo ang binata sa kanyang magaang awra at sana’y bigyan sila ng privacy lalo na’t magkasunod silang nawalan ng minamahal.
“We hope the world remembers him for his humor, laughter and love for everyone. We ask for privacy at this time as we are still processing this devastating loss.”
Samantala, naglabas rin ng pahayag ang HBO ukol sa pagkamatay ni Angus.
“We are incredibly saddened to learn of the passing of Angus Cloud. He was immensely talented and a beloved part of the HBO and Euphoria family. We extend our deepest condolences to his friends and family during this difficult time.”
Ang kanyang paglabas sa “Euphoria” ang kanyang kauna-unahang acting job matapos siyang matuklasan ng isang cast director hanang naglalakad sa Brooklyn, New Gork kasama ang mga kaibigan.
Related Chika:
Gitarista ng ‘The Script’ pumanaw na sa edad 46, mga pakikiramay bumuhos sa socmed
Sparkle artist Andrei Sison naaksidente, pumanaw sa edad na 16