Sa Philippine Red Cross napunta ang P700,000 kinita sa Kris Aquino Bazaar noong Okt. 11-13 sa Metro Walk, Pasig City.
Base sa post ni Kris sa kanyang KrisAquino.net, “Turned over check to Red Cross Secretary General Gwen Pang.
Thanks to all of you who supported my Kris Aquino sale last week. I was able to give P700,000 to Red Cross today. Ms Gwen said Red Cross will use the money to help fund the care for trauma cases who need orthopedic surgery, sutures, and casts.”
Kasama si Kris sa ABS-CBN stars na sumali sa bazaar at siya rin ang may pinakamaraming benta, ayon mismo sa mga nakapunta. Kuwento sa amin ng nakapunta sa nasabing bazaar, “May mga bago pa nga, kasi may tag price pa, siguro hindi niya nagamit sa dami ng damit niya, ‘yun nga lang, medyo mahal.”
At dahil dito ay maraming nag-post ng kanilang paghanga sa TV host-actress dahil laging bukas-palad sa mga nangangailangan.
At take note, sa sariling bulsa ni Kris nanggagaling lahat ng itinutulong niya sa mga nangangailangan kaya maski na maysakit ay kailangan niyang siputin ang lahat ng natanguang commitment dahil sabi nga niya, “Huling buhos, Reggs, mahal ang kitchen, bathroom et!”
As of now kasi ay hindi pa tapos ang bahay na lilipatan nilang mag-iina. Kaya sa 5-star hotel sila nakatira ngayon na ayaw banggitin sa amin kung saan for security reasons.
Samantala, abut-abot ang pasalamat ni Kris dahil may bago na naman siyang endorsement na labis niyang ikinatuwa dahil finally natapos na ang negosasyon na noong una ay ayaw pa niyang banggitin sa amin kung ano dahil nga hindi pa siya nagsu-shoot.
At noong isang araw ay masaya niyang ibinalitang, “Done with the TVC of SM.”Bukod sa Kris Reali-TV taping araw-araw ay busy din si Kris sa pagsama kay Bimby sa shooting nito ng “My Little Bossings” kasama sina Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto para sa 2013 Metro Manila Film Festival.
( Photo credit to Google )