Iyan ang diretsahang sinabi ni Andrea makalipas ang halos dalawang buwan mula nang sila’y magkanya-kanya na ng landas at tapusin na ang kanilang nawasak na relasyon.
“Ay, hindi (na ako galit). Nagalit ako, oo. Pero matagal na panahon na po ‘yun bago pa nag-trending ang lahat ng ito. Nakailang buwan na bago niyo nalaman lahat, tapos na ako,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN News matapos ang kanyang contract signing sa Kapamilya network.
“On the way na ako matapos sa lahat ng stages of grief. Nagkaroon po ako siguro ng one month talaga na mahirap para sa akin. ‘Di ba five stages ‘yun? Per week, ibang stage ako sa loob ng isang buwan na iyon.
“Pero thank you Lord kasi hindi ko po pinagdaanan ‘yung depression kasi, ‘di ba anger, denial, bargaining, depression and then acceptance. Na-skip ko (depression),” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, “Nawala naman na ‘yung galit sa akin surprisingly po for me. Hindi ko ‘yun in-expect kasi kilala ko ‘yung sarili ko na talagang kinikimkim ‘yung bubog or kung ano man betrayal ang matanggap ko in life.
“Pero ito, pinili ko po kasi talagang mag-reflect lang, isang linggo ako lang, hindi ako lumabas. Wala rin akong kinausap kung ‘di ako lang,” lahad pa ng aktres.
Sa katunayan, aniya, napakarami niyang realizations about life and relationship sa breakup nila ni Ricci, “Mas doon ko nakilala ‘yung sarili ko, ‘yung emotions ko. Masasabi ko pong nawawala talaga ang galit.
“Time heals everything. Thank you Lord, ginawa niyang one week. ‘Yung iba kasi years, buwan. After noon, nandiyan ‘yung friends ko, fans ko, ‘yung family ko na mahal na mahal ako, ‘yung network ko.
“Punumpuno ng pagmamahal kasi ‘yung buhay ko. Wala na siyang space para sa galit pa. It is what it is eh, so, whatever. Ang laki-laki ng mundo, ang saya-saya mabuhay para lang mag-waste ng galit,” sey pa ni Andrea sa nasabing panayam.
Sa tanong kung totoong napatawad na niya si Ricci, “I think so. Pero hindi po direkta kasi wala pa po kaming usap. Pero in my heart, yes. In my heart, natanggap ko na lahat and willing to move forward with my life na po ako. So yes, I think napatawad ko na siya.”
Pahayag pa ng Kapamilya actress, “Kung magkikita kami, okay lang naman po sa akin ‘yun, wala akong problem with it.
“Okay akong magkita kami, kung makakausap ko siya, kung kakausapin niya ako, okay lang din po sa akin ‘yun kung meron pa siyang mga gustong sabihin,” ang matapang na pahayag ni Andrea.