TULAD nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, siguro ay may “usapan” na rin sina Mikael Daez at Megan Young tungkol sa kanilang tunay na relasyon.

Hindi naman natin sila masisisi kung itago man nila sa publiko ang totoo dahil tiyak ngang pagpipiyestahn ito ng media at lalagyan ng isyu.

When we read somewhere na panay ang iwas ni Mikael everytime na matatanong siya about Megan and their reported “relationship”, ramdam naming masakit din sa aktor ang ginagawa niya.

At naniniwala kami na ganu’n din ang feeling ni Megan, baka nga iniyakan pa niya ito, di ba? Megan has duties to fulfill as Miss World at hindi nga biro yun lalo pa’t bahagi talaga ng isang pangarap ng aktres-beauty queen ang maging Miss World at ambassaddress ng beauty with a purpose.

Love must wait ang peg ni Megan na marahil ay nakiusap sa aktor na kung hindi na siya nito mahihintay ay malaya na niyang magagawa ang dapat bilang isang bachelor.

Pero on Mikael’s part, nararamdaman naming desidido itong maghintay at manatiling in love kay Megan kahit pa sa phone at social media na lang sila magkausap (kahit paano raw).

Mukhang ganyan ang uso ngayon sa ating mga showbiz couples, ha! Taguan ang labanan.

( Photo credit to Google )

Read more...