Tatay may kwelang gimik sa birthday ng 5-year-old na babaeng anak, pinapirma ng ‘boyfriend agreement’

Tatay may kwelang gimik sa birthday ng 5-year-old na babaeng anak, pinapirma ng ‘boyfriend agreement’

PHOTO: Facebook/Don Alegre

NITONG mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang mga balitang pagpirma ng kontrata ng ilang artista sa kanilang TV network.

Hindi naman nagpahuli diyan ang kaka-birthday lang na 5-year-old na tsikiting na si Sitti Alegre!

Pinapirma kasi siya ng kontratang “boyfriend agreement” ng kanyang tatay na si Don na isang gimik lamang para sa kanyang kaarawan.

Sa Facebook, ibinandera ni Don ang mismong kontrata na nagsasabing hindi pwedeng mag-dyowa ang kanyang anak hangga’t hindi natutupad ang mga napagsunduan.

Mababasa na pwedeng mag-boyfriend si Sitti kapag siya ay nasa edad 25, nagtapos ng college degree o doctorate, may personal account na may laman na million dollars, at black belter ng Judo o Jiu Jitsu.

Baka Bet Mo: Kwelang ‘side hustle’, tipid tips ng NWPC, DOH pak na pak ngayong Valentine’s Day

Bukod diyan ay may nakalagay ring requirements na kailangang tuparin ng mga manliligaw ni Sitti.

Kabilang na riyan ang one-on-one interview sa bawat miyembro ng pamilya, group interview with drinks kasama ang barkada ng tatay, at siyempre hindi mawawala ang one-on-one interview with drinks kasama si Don.

“Happiest Birthday, my Pickles! And our agreement is signed!,” masayang caption ni Don sa FB.

Wika pa niya, “Ang hirap maging girl dad but, I have ways to enjoy it. And now, we focus on reaching the achievements.”

You have my eyes (literally), my Pickles. And I got your back,” ani pa ng uploader.

Nakachikahan naman mismo ng INQUIRER.NET ang ama ni Sitti at nilinaw niya na katuwaan lamang ang ginawa niyang kontrata para sa anak.

Related Chika:

Ellen Adarna, Derek Ramsay may pre-nup agreement nga ba?

Read more...