AMY PEREZ lumayas sa TV5, ayaw matawag na gahaman sa pera | Bandera

AMY PEREZ lumayas sa TV5, ayaw matawag na gahaman sa pera

Ambet Nabus - October 20, 2013 - 03:00 AM


Nagsalita na pala ang kapatid na Amy Perez tungkol sa tunay na rason kung bakit mas pinili niyang lumisan sa programang nagbigay tatak sa kanyang pagiging Pambansang Kapitana o bilang si Tyang Amy.

Dahil daw kasi sa mga parunggit ng ilang dating mga kasamahan sa Face to Face sa social media, blaming her and calling her names, nagdesisyon na lang siyang mag-resign.

Wala umano siyang laban sa mga ganu’n, lalo pa’t inaakusahan siyang nagpatanggal ng mga tao na hindi naman totoo.
Kesa raw isipin ng iba na nagma-money trippping lang siya, minabuti niyang magpaalam ng maayos sa mga bossing ng TV5.

Sina Gelli de Belen at Tintin Babao na nga ang magka-tandem sa bagong show na Face the People at masaya si Tyang Amy na kapwa niya mga taga-Backroom ang pumalit sa kanya at malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng mga ito.

May mga bagay lang umanong masarap gawin lalo na kung komportable ang mga katrabaho mo sa iyo and vice versa. Obviously, hindi nga mukhang ganu’n ang inabutang eksena ni Tyang Amy matapos siyang manganak.

Sa ngayon ay naghihintay ang aktres-host na maplantsa ang sinasabing pagbabalik-Kapamilya niya. Yung napapabalitang show nila ni Konsehal Roderick Paulate at pagbabalik ng Singing Bee ay inaabangan na ng marami.

In fact, may tsismis ding magbabalik-teleradyo si Tyang Amy kaya’t parang wala lang, parang nagbakasyon lang sa malayong bansa ang peg niya.

Incidentally, naging panauhin namin ang Kundirana (musical group ng mga La Salle high school students) sa DZMM recently at nagulat kaming makita si Adie, ang panganay na anak ni Tyang Amy sa singer na si Brix Ferraris.

Second year high school na pala ito at member nga siya ng kilalang grupo kung saan galing din sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago at iba pa.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending