Michelle Dee todo-paghahanda na mahigit tatlong buwan bago ang Miss Universe pageant

Michelle Dee todo-paghahanda na mahigit tatlong buwan bago ang Miss Universe pageant

Kasama ni Miss Universe Philippines Michelle Dee (gitna) sina Miss Charm Philippines Krishnah Gravidez (kaliwa) at Miss Supranational first runner-up Pauline Amelinckx./ARMIN P. ADINA

MAHIGIT dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang masungkit ng model-actress na si Michelle Dee ang titulo bilang Miss Universe Philippines na hindi alam kung kailan ang pagsabak niya abroad. Ngunit hindi ito naging hadlang upang tutukan niya ang pandaigdigang korona, at agad na nagtrabaho upang asintahin ang ikalimang panalo ng bansa sa 72-taong-gulang na patimpalak.

At ngayong sinabi na ng Miss Universe Organization (MUO) sa social media noong gabi ng Hulyo 27 na itatanghal ang susunod na kumpetisyon sa Nob. 18 sa El Salvador, pinaigting pa ng Pilipinang reyna ang paghahanda para sa paparating na pakikipagtunggali.

“We haven’t received any official directives regarding the upcoming Miss Universe pageant. However, we’ve been continually preparing for Michelle’s competition,” sinabi ni Miss Universe Philippines (MUPH) Director of Communications Voltaire Tayag sa Inquirer sa isang online interview.

“Michelle’s physical fitness training has intensified because when she knows she’s at her best physically, the mindset is also at its best,” dinagdag pa niya, at sinabing hinahanda rin ng organisasyon ang beauty queen para sa question-and-answer portion.

“But most of all, Michelle is far more focused in her reason, her life purpose, her driving force for good. For her, what she’s been advocating for pre-dates her pageantry career. So you know it is something that she has always believed in,” ani Tayag, tinukoy ang pagtulong ni Dee sa Autism Society of the Philippines nang ilang taon na. Dalawang kapatid ng reyna ang may autism.

Baka Bet Mo: Michelle Dee sa pagkapanalo sa MUPH 2023: #DEEPATAPOS ang laban! Nag-uumpisa pa lang tayo…

Maagang umalis ng bansa ang mga predecessor ni Dee patungo sa kani-kanilang kumpetisyon, naglaan ng ilang linggo para sa karagdagang pagsasanay at paghahanda sa ibayong-dagat. Sinabi ni Tayag na hindi pa nakapagpapasya ang MUPH kung aalis din nang maaga ang kasalukuyang reyna bago pa man ang simula ng opisyal na kalendaryo ng Miss Universe pageant.

“Nothing is final at the moment. But we always give importance to our delegate’s overall well-being in preparing for Miss Universe. We’ve been talking to Michelle about it. Travelling and time changes are taxing. It would be good to give her a bit of time to adjust to the time zone prior to the pageant. We want her to feel and be at her best the moment she sets foot in El Salvador,” ibinahagi ni Tayag.

HInid lamang inaasinta ni Dee ang titulong kasalukuyang taglay ng Filipino-American designer na si R’Bonney Gabriel mula Estados Unidos, ngunit tatangkain din niyang maibalik ang ningning ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang putulin ni Celeste Cortesi ang 12-taong placement streak ng bansa nang mabigo siyang makausad sa ika-71 Miss Universe pageant nitong Enero.

Apat na Pilipina na ang nakasungkit sa korona—sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Related Chika:
Michelle Dee humakot ng special awards sa preliminary competition ng Miss Universe PH 2022

Michelle Dee ‘work mode’ agad sa unang araw ng pagiging Miss Universe PH 2023

Read more...