Tito Sen, Joey present sa unang hearing ng ‘copyright’ case laban sa TAPE: ‘Pinipilit n’yo sa tao na kayo ang Eat Bulaga, e, hindi naman kayo’

Tito Sen, Joey present sa unang hearing ng 'copyright' case laban sa TAPE: 'Pinipilit n’yo sa tao na kayo ang Eat Bulaga, e, hindi naman kayo'

NAKAHARAP na nina dating Senate President Tito Sotto at Joey de Leon ang mga abogado ng TAPE, Inc., sa unang hearing nila kaninang umaga.

Dininig ang kasong may kaugnayan sa copyright sa Marikina City Hall of Justice na isinampa ng TVJ laban kina Ginoong Jon Jalosjos at Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, mga executives ng TAPE.

Wala pang alas-otso ay dumating na si Tito Sen sa Marikina Hall of Justice na sinundan naman ni Joey at hindi naman sumipot si Vic. Ang mga abogado naman ng TVJ ay sina Atty. Enrique dela Cruz at Atty Isaiah O. Asuncion lll mula sa DivinaLaw.

Hindi naman nakarating ang magkapatid na Jalosjos, ang mga abogado lang nila ang dumalo sa nasabing hearing headed by Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Mahigit isang oras inabot ang hearing, mula 8:30 hanggang 9:45 a.m., at kaagad namang pinalibutan ng TV reporters, online media at print media sina Tito Sen at Joey para hingan ng pahayag.

Ayon kay Tito Sen ang isinampa nilang kaso ay, “Sa dinami-dami ng mga salita alam mo naman ang legal terms ang bottomline ng pinag-uusapan namin (at) ang sinasabi namin dito ay copyright, sino may-ari ng copyright, ‘yung gumawa. Trademark? Meron pang cancellation, eh. Merong tinatawag na after 10 years nawawala.

“But then again may mga nag-file ng trademark and trademark that’s goods.  Iba ‘yung copyright.  Ang tanong dito na sinasabi namin sa korte, sino ang may-ari ng pangalang Eat Bulaga.

“They were saying that they (TAPE) are deceiving the people by saying na sila ‘yung Eat Bulaga. Puwede naman nilang ituloy ‘yung programa nila kung gusto nila pero palitan nila ‘yung pangalan nila, ‘yan ang punto namin!” sabi ng dating senador.

Nasabay pa ang pagsampa ng kaso sa nalalapit na 44th anniversary celebration ng “Eat Bulaga” sa Sabado, Hulyo 29 at inamin ni Tito Sen na matagal na preparasyon ito.

Baka Bet Mo: TVJ nagkaiyakan sa presscon ng paglipat nila sa TV5; Vic hindi papayag na basta na lang kunin ang ‘Eat Bulaga’ ng kung sinu-sino lang

“Kailangan nating pag-aralan ‘yan kung ano nga ba ang pinakamagandang kilos, di ba?” kaswal nitong sabi.

Kasama rin sa kaso ang paggamit ng footages ng “Eat Bulaga” ng TAPE, “Hindi tama ‘yun at isa iyon sa pinayl namin sapagkat wala silang paalam sa amin katulad ng ginawa nila noong (May) 31 hanggang June 3, nag-replay sila ng nag-replay at isa nga iyon sa ika nga’y binabaril namin dito sa kaso na ‘to.

“Again let’s go back to deception pinipilit n’yo sa tao o sa publiko na kayo ang Eat Bulaga, e, hindi naman kayo,” pahayag ni Tito Sen.

May nagtanong kung nagmamatigas ba ang TAPE, “Siguro, sinasabi ng mga abogado nila trademark, trademark. Iba ‘yung trademark sa copyright. Para ka namang hindi nakakaintindi ng legalities,” napangising sabi ng dating senador.

Inamin namang confident ang TVJ na maipapanalo nila ang kaso tungkol sa copyright.

“Very confident in God’s help, I’m sure the truth will come out. Alam ng Panginoong Diyos, alam ng taumbayan, alam ng publiko kung sino ang nag-imbento ng Eat Bulaga, pangalang Eat Bulaga. Kung iyon ang programa nila bahala sila sa programa nila, palitan nila ang title nila,” sabi pa ni Tito Sen.

Nakangiting sabi naman ni Joey, “O, ako naman maikli lang, basta kami nagsasabi lang ng totoo, ‘yun lang!  Nagsabi lang kami ng totoo! Nagsabi lang kami ng totoo, bahala na kayo.”

Tinanong naman namin si Joey kung ano pa ang ibang kaganapan sa hearing, “Pinag-uusapan pa lang ‘yung mga reklamo.  Mae-elaborate pa ‘yan sa mga darating na araw.”

Mukhang mahaba-haba pa ang itatakbo ng kasong ito pero tiyak na aabangan talaga ito ng publiko. Sa Lunes, Hulyo 31 ang ikalawang hearing ng TVJ versus TAPE.

Related Chika:
Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?

Tito Sotto ‘nanggigil’ nang sabihing hindi mabubuhay kung walang ‘Eat Bulaga’: TVJ na kami

Read more...