MIRIAM diborsyada kaya tanggap na BIYUDO at may 2 ANAK na ang mapapangasawa

NAPANOOD namin ang buong interview sa beauty queen na si Miriam Quiambao at fiancé na si Ardy Roberto sa The 700 Club Asia. Punung-puno ng prayer ang relasyon ng dalawa mula umpisa hanggang maging sila.

Matagal na raw silang magkakilala ni Ardy na isang author at co-founder ng Salt and Light Ventures. Naging teacher pa ni Miriam si Ardy sa isa sa mga lecture nito. Speaker din kasi si Ardy.

And that time, buhay pa ang misis ni Ardy na si Tingting. Maraming beses na nagkikita sila at may pagkakataon pa raw na ipinagdasal pa ni Ardy si Miriam para sa right man na ibibigay sa kanya ni Lord.

At huwag matorpe ang lalaking ‘yun instead magkaroon ng lakas ng loob na magpahayag ng damdamin niya kay Miriam. Not knowing na siya na pala ‘yun.

Pumunta si Miriam sa burol ng misis ni Ardy at doon nakita niya kung gaano ito kabuting asawa. Nabalitaan din ni Miriam kung paanong inalagaan ng husto ni Ardy si Tingting.

Kaya nagdasal si Miriam na sana makatagpo rin siya ng ganoong klase ng lalaki na todo-todo siyang mamahalin at aalagaan.
Hanggang sa nasundan na ang pagkikita.

Pero nagkaroon pa muna ng dalawang relationships si Miriam na hindi rin nagtagal. At dahil naging magkaibigan na talaga sila ni Ardy, nadalas na ang pagkikita hanggang sa naging magkasintahan.

Last Oct. 6, nag-propose si Ardy kay Miriam during a fun run. Agad naman daw tinanggap ni Miriam ang marriage proposal ni Ardy.

Bukod sa pagiging author, entrepreneur and international award-winning seminar producer, na-award din siya with a “Grand Anvil Award” for putting together the 2004 “John Maxwell Live! In Manila”.

Nagsusulat din sa Philippine Daily Inquirer with his marketing guru at ama na si Dr. Ned Roberto. Joshua ang name ng anak ni Ardy with Tingting. Kilala na rin siyempre si Miriam ni Joshua.

At siyempre after the wedding, gusto rin nilang bigyan ng kapatid si Joshua. Medyo may isyu lang sa relasyon nina Ardy at Miriam among the Christian community, kung isyu man ‘to, huh!

Kasi nga knows naman ng lahat na diborsyada si Miriam at buhay pa ang former husband niya, ang Italian businessman na si Claudio Rondinelli. At byudo naman si Ardy.

Pero pinag-usapan na raw nila ‘to sa ilang elders sa church nila at binigyan naman ng blessing ang kanilang relasyon. May ibang asawa at anak na raw si Claudio sa Italy sabi ni Miriam.

( Photo credit to Google )

READ NEXT
Read more...